Tips Para Laging Magkapera

Lahat naman ng tao ay gustong magkaroon ng pera at ang pinakamagandang solusyon diyan ay magtrabaho ka ng husto. Kapag ganoon ang ginawa mo, siguradong magkakaroon ka ng pera. Kahit pa sabihing maliit lang at least nagagawang suportahan ang iyong mga pangangailangan. Ngunit, may mga taong nanloloko para magkapera at maling-mali ito dahil kung ganito ang gawain mo, ihanda mo na rin ang iyong sarili Sa takdang panahon ay aani ka ng kamalasan.

Sa artikulo na ito ay bibigyan lang kita ng Tips Para Laging Magkapera. Sana lang sa pamamagitan nito ay huwag na huwag mo na iisipin pang gumawa ng mali sa’yong kapwa. Dahil mas masara magkaroon ng pera sa malinis na paraan lalo na kung sasamahan a ng konting mahika. Eto lang ang dapat mong gawin.

Una, ayusin mong mabuti ang perang papel sa loob ng iyong wallet. Kung maaari ay pagsunud-sunurin mo sila mula sa pinakamababang halaga hanggang sa pinakamataas na halaga. Tulad ng tao, maging ang pera ay kailangan mong irespeto at kapag nangyari iyon ay susuwertehin ka ng husto.

Pangalawa, huwag kang magapawala ng barya sa pitaka. Kahit na beinte singko lang ‘yan ay magtira ka ng barya dahil magbibigay pa rin ‘yan ng kuwarta sa’yo. Tulad lang ‘yan ng tao na naghahanap din ng kasama. Ang suwerte ay kanilang kinakawayan para makapagdala sa’yo ng salapi.

Pangatlo, huwag mong ikakalat ang pera mo kung saan-saan. Hindi porke marami kang pera ngayon ay binabalewala mo na ang mga barya at maliliit na perang papel. Aba, baka hindi mo alam, hindi lang ang mga tao ang may kakayahang magtampo, pati na rin ang suwerte. Kaya, kung ikakalat mo lagi ang iyong pera, darating ang araw na mawawalan ka na rin ng salapi.

O, gugustuhin mo bang magkapera?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here