Tips Para Hindi Siya Magdalawang Isip na Makipagdate sa’yo

0
48

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Malapit na ang Valentine’s day pero hindi mo pa siya napapa-oo para makipagdate sa’yo. Ang sad diba? Pero ‘wag kang mag-alala dahil tutulungan kita. May mga tips ako kung paano mo siya mapapa-yes sa inyong date! Narito at ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa.

1.Ang pinakaunang dapat mong gawin ay alamin mo kung anong klaseng date ang bet niya. Gusto ba niya ng classic date, modern date, O extra ordinary date? Mahalagang malaman mo ‘yan dahil karamihan sa mga babae, ay hindi gusto ang maupo sa isang date na hindi nila gusto ang ambience. Kaya kung ang iyong girl ay tipong old-fashioned, aba CLASSIC DATE ang dapat mong paghandaan, yung candle light dinner na may tumutugtog na violin sa tabi nyo. O pwede rin namang picnic sa park with fresh flowers. Kung MODERN DATE naman ang bet niya, kailangan mong alamin ang pinakabagong palabas sa sinehan, pinakabagong putahe sa isang restaurant , mga games, mga in, mga trending dates sa social media. Yung tipong hindi siya ma-oop na makipagtsikahan sa dates ng mga friends niya. Pero kung EXTRA ORDINARY DATE naman ang trip niya, ihanda mo na ang sarili mo para sa mga challenges like sky diving, bungee jumping, air balloon date, yung tipong hindi siya mabobored hanggang sa matapos ang araw ng date nyo.

2.Pangalawa, dapat niyang malaman na hindi lang ikaw ang handa para makipagdate kundi maging ang iyong bulsa. Kung minsan nagdadalawang isip ang babae na makipagdate kapag nararamdaman niya na hindi sapat ang iyong pera. Hindi sa hindi sasapat sa kanya ang laman ng iyong bulsa kundi baka makadagdag pa siya sa probema mo sa budget na pilit mong pinagkakasya.

3.Kailangan na bigyan mo siya ng chance na mamili ng araw at oras kung kailan kayo magde-date. Kung minsan kasi ay hassle ang availability niya sa araw na napili mo. Kapag ganito ang nangyari ay huwag ka nang umasa na mapapa-oo mo siya. Lalo na kung may kinalaman sa work ang pagkaipit ng oras niya. Hindi niya pipiliin ang date over work. (Iyan ay kung isa siyang hardworking woman). Kung minsan hindi lang work ang dahilan, pwedeng may period siya at wala siya sa mood lumabas, o pwede rin namang  wala lang talaga siya sa mood. At ang iwasan mo ay yung matapat ang date suggestion mo sa friendly date nila ng mga dabarkads niya. Maniwala ka hindi niya palalampasin ang bonding nila unless ikaw na ang priority niya. ffffffffffffff

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here