Tips para hindi masira ang buhay ng isang bata

Tunghayan ang Tips para hindi masira ang buhay ng isang bata

Ang kabataan ang pag-asa ng bayan kaya dapat lamang na siguraduhin natin na hindi sila maliligaw ng landas. Malaki naman talaga ang posibilidad na ganoon ang mangayari kapag napariwara ang kanilang buhay. Bilang magulang, hindi mo naman siguro gugustuhing mangyari iyon. Gayunpaman, kahit naman ayaw mo’y may mga hindi tayo inaasahang mangyari.

Kaya, sana ay suriin mo rin ang aking ilang Tips para hindi masira ang buhay ng isang bata

Una, ibigay mo sa kanya ang iyong pagmamahal. Hindi naman siyempre ito mahirap gawin lalo na kung siya ay nabuo dahil sa pag-ibig. Kapag naramdaman ng bata na mahal na mahal mo siya, magkakaroon siya ng self confidence. Hindi siya makakaramdam ni kapiranggot na hiya dahil alam niyang naniniwala ka sa kanya.

Pangalawa, huwag mo siyang sasaktan. Kahit naman nakagawa siya ng mabigat na kasalanan, hindi naman yata makatarungan kung siya ay bubugbugin. Nang nakalipas na ilang linggo, nag-viral ang batang binugbog ng kanyang madrasta. Mukha mang bibo ang bata, tiyak na malaki ang epekto sa kanya ng nangyari. Tiyak din na ang kanyang puso ay mapupuno ng takot. Talaga naman kasing hindi madaling kalimutan ang pangyayaring iyon.

Pangatlo, huwag mong ipapahiya ang bata. Kung ang bata ay nagkamali, mas maigi kung siya ay kakausapin mo ng mahinahon. Ipaliwanag mo sa kanya kung bakit mo siya kailangang pagalitan. Saka mas maigi kung papagalitan mo siya ng walang ibang nakakakita. Kung ang gagawin mo kasi ay pagagalitan mo siya kahit may kaharap na ibang tao, tiyak na mapapahiya mo siya ng husto. Kaya magiging daan iyon para siya ay magkaroon ng sariling mundo.

Sabi ng marami, para magkaroon ng magandang buhay ang bata, kailangan nilang mag-aral ng mabuti pero kailangan mong tandaan na ang emosyon nila ay may malaking epekto rin para sila ay magkaroon ng magandang buhay. Kaya, makabubuting huwag na huwag mong sasaktan ang iyong anak. Sa pisikal man o sa simpleng salita dahil magiging dan iyion para magkaroon sila ng miserableng buhay.

Kaya nga madalas na sinasabi na ang kasama natin ang dahilan kaya ang anak natin ay nagkakaroon ng mabuti at masamang ugali. May pagkakataon na isinisisi natin sa ibang tao ang ginagawa ng mga ating mga anak pero hindi natin nagawang sisihin natin ang ating sarili  sa kung ano ang nagawa niya sa kanyang buhay.

Salamat sa pagbasa ng Tips para hindi masira ang buhay ng isang bata

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here