Tips para hindi mambabae si Mister

2
3915

Latest posts by PhilippineOne Contributor (see all)

Ang artikulong Tips para hindi mambabae si Mister ay para kay Ruth Malijan Jugal ngunit natitiyak ko na marami ring misis ang ibig makakuha ng payo tungkol rito. Kaya mga misis, swak sa inyo ang topic natin ngayon.  

Kung inaakala ninyo na porke ikinasal na ang dalawang tao ay forever na talaga ang kanilang happiness dahil ‘hindi’. Nakakalungkot nga na kahit na matagal na kayong naging magkasintahan, parang hindi pa ninyo kilala ang isa’t isa. Alam mo ba kung bakit? Dahil habang magkarelasyon kayo ay pinipili ninyong itago ang totoong ugali ng bawat isa.  Kaya naman pag nagsasama na sila sa isang bubong, nabibigla sila pagkaraan. Hindi kasi nila mapaniwalaan na ang kanilang ka-partner ay hindi perpekto. 

Kaya, heto ang ilang tips ko sa’yo para hindi makuhang mambabae ni mister. 

Una, ipakita mo na ikaw ang pinakamabuting asawa para kay mister. Ito iyong tipong magiging alipin ka sa kanyang paningin. Pagmulat pa lang ng kanyang mga mata ay inaasikaso mo na siya. Masakit mang pakinggan pero magmimistulan kang yaya ng iyong asawa. Ganyan kasi ang gusto ng mga lalaki, ‘yung ginagawa siyang hari ng kanyang misis. Kaya naman kapag hindi mo siya nagawang asikasuhin ay malaki rin ang posibilidad na tatabangan din siya sa’yo. Kasi nga, yaya talaga ang tingin niya sa’yo at hindi katuwang.  

Kung papansinin mo, kalimitan sa mga mag-asawa na naghihiwalay ay ‘yung si babae ay mas sariling career o nagtatrabaho. Dahil nga nawawalan ng time si misis kay mister, ang agad iisipin ni mister ay hindi na siya mahal ng kanyang asawa. Saka, ang lalaki gaano man kapogi ay nakakaramdam ng insecurity kapag mas matagumpay sa kanya si Misis.  

Pangalawa, maging beauty at sexy ka pa rin. Ang dahilan kaya ka niligawan ni mister ay maganda ka at seksi kaya ngayong naglaho na ang iyong kagandahan ay tinatabangan na rin sa’yo si mister. Iyon nga ang dahilan kung bakit ang kabit ay pirming  lagi maganda at seksi. Hindi naman siyempre kukuha si ister ng babaeng hindi kanais-nais ang hitsura. Kaya misis, huwag mo rin naman pababayaan ang iyong sarili. Hindi porke nanganak ka na ay hahayaan mo na lang na tumaba ka. Ayaw iyon ng mister mo kaya tandaan mong hindi ka lang ina, asawa ka rin.  

Pangatlo, huwag mong kokontrahin si mister sa kanyang mga desisyon. Mapipikon sa’yo si mister kung kokontrahin mo lang siya palagi tapos ipamumukha mo pa sa kanya ang pagkakamali niya. Ang mga kalalakihan ay may ego na iniingatan kaya kapag nasaling mo iyon, tiyak na mawawalan na rin siya ng gana sa relasyon ninyo. Kahit naman sabihin na equal na ang karapatan ng lalaki at babae, gusto pa rin ng mister mo na maramdaman na siya ang nakapantalon sa inyong dalawa.  

Pang-apat, dapat marunong kang mang-uto. Lagi mong ipalala kay mister kung gaano siya kagaling sa iba’t ibang gawain. Nagpintura siya sa bahay, purihin mo. Pinagluto ka niya, bigyan mo siya ng mahigpit na yakap at matamis na halik. I-appreciate mo ng husto ang mga nagagawa niya dahil nagagawa mo ring itaas ang kagiging mister niya. 

Pang-lima, huwag kang nagger. Hindi naman porke umuwing lasing ang mister mo, magwawala ka na. Mumurahin mo na siya at hindi papansin kinabukasan hanggang sa hindi siya tumitino. Naku, lahat naman ng problema ay may solusyon kaya magpakahinahon. Kung hindi mo titigilan ang pagbubunganga mo, malamang isang araw ay mawawalan ka ng asawa.  

Kaya, kung ayaw mong magkalamat ang relasyon ninyong mag-asawa, kailangan mong intindihin ang aking ga sinabi. Ito kasi ang magsisilbing susi kung nais mong maging maganda ang samahan ninyong mag-asawa at hindi niya maisipan ang mambabae.

 O, aprub ba sa’yo ang mga Tips para hindi mambabae si mister?

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

2 COMMENTS

  1. panu kng nagcnungaling tpos huli mna ayw p umamin tpos ssbhan kp n plgi k nmn gnyn pngbbntangan ako..kht my pruweba kn hawak…t ia p mlakas ang loob ng sbhan ako n mghwalay dw kmi kc puo hnala dw ako t bntang s knya ky n my ebidencia ako dpa dn cia umaamin…ayko un plgi cnicc nia s lhat ako lng dw bumubuo s icp k

    • wala naman kasi kriminal na umaamin sa sarili niyang krimen. kundi mo na kaya panloloko, hiwalayan mo na. wala kang mapapala sa lalaking taksil kundi heart attack.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here