TIPS PARA HINDI MAINLOVE SA FWB

0
198

Masaya magkaroon ng isang FWB, o friends with benefits, lalo na kung makahanap ka ng perfect match para sayo. Pero, ang ganitong klase ng arrangement ay mabilis maging sakit sa ulo lalo na kung dahan dahan nang nagiging malabo kung ano kayo…AKA, may naiinlove na sainyong dalawa.

Paano ba maiiwasan ang ganyang problema? Narito ang ilang tips:

1. Pumili ng taong hindi malaking parte ng iyong buhay. Kahit na mayroong “friends” sa pangalan ng arrangement, mas makabubuti kung hindi isa sa close circle of friends mo ang gagawin mong fwb. Kung kilala nyo na ng mabuti ang isa’t isa, mas malaki ang tyansa na mahulog kayo kapag naidagdag na ang physical intimacy. Sa kabilang dako naman, kung hindi maging maayos ang pagtatapos ng inyong arrangement, pwedeng mawalan ka ng isang mabuting kaibigan.

2. Maglagay ng rules. Bago niyo simulan ang relasyon, dapat ay malinaw muna ang lahat ng bagay. Para makasiguro, maglagay kayo ng rules na kailangan sundin kahit na anong mangyari. Ang mga ito ay hindi pwede iadjust o palitan maliban na lamang kung gusto ninyong maging magjowa.

Ilan sa dapat niyo ilagay ay kung gaano kadalas kayo magkikita at kung hanggang kailan lang ang fwb arrangement ninyo. Kung napagkasunduan ninyong 2 beses lang sa isang linggo ang pagmomotel, siguraduhin na hanggang dalawang beses lang talaga kayo magkikita kahit na L na L na kayo sa gitna ng linggo. Maiiwasan nito ang pag demand niyo ng oras sa isa’t isa at mababawasan ang pagkakaroon ng feeling ng pagka-miss. Dapat din ay may deadline kayo. Huwag palampasin ng 6 mos ang isang fwb, dahil siyempre magsisimula na kayong maging pamilyar sa isa’t isa na pwedeng pagusbungan ng feelings.

Kung magkakasama kayo kapag lumalabas ang mga kaibigan, iwasan ang masyadong pagdikit sa isa’t isa. Kailangan niyo rin alamin kung gusto niyo ba ipaalam sa mga tao o isikreto ang inyong ginagawa. Para saakin, mas mainam ang patagong arrangement para sa thrill at para na rin hindi kayo masulsulan ng mga kaibigan.

3. Huwag gumawa ng ibang bagay maliban sa sex. Tandaan, yun lamang dapat ang habol ninyo sa isa’t isa tuwing nagmomotel. Kung gayon e hindi kayo dapat mag cuddle, magNetflix, o kumain na magkasama pagkatapos ng inyong session. Ang ganitong mga bagay ay jowa duties, at hindi ninyo jowa ang isa’t isa. Iwasan na magkita ng kayo lang kung hindi ninyo balak magsex. Iwasan din ang overnight sessions maliban na lamang kung balak ninyong magtalik buong magdamag. Mas mainam mag motel kaysa mag host sa inyong bahay para maiwasan ang mga komplikasyon tulad ng pagpapakilala sa pamilya o pagkabuking ng mga kaibigan kung ito ay inyong sinisikreto. Pero kung hindi kaya ng budget, pwede ring mag host basta’t agad na aalis ang iyong bisita matapos.

4. Iwasan maging exclusive. Ang loyalty at exclusivity ay para sa mga relasyon, hindi para sa casual sex partner. Dapat ay malinaw at walang problema sainyong dalawa kung ang inyong fwb ay makikipagdate o makikipagtalik sa ibang tao. Dapat ay walang selosan na magaganap. Kung ito ay hindi okay sainyo, ibig sabihin ay mayroon kayong nararamdaman sa inyong fwb at dapat ninyong putulin ang ugnayan.

5. Gumamit ng proteksyon. Ang raw sex ay dapat na ginagawa lamang sa iyong long term relationship partner. At dahil hindi exclusive ang ganitong klase ng relasyon, importante ang paggamit ng proteksyon para maiwasang magkasakit. Bukod pa dyan, kung hindi kayo handa magkaroon ng commitment ay mas lalong hindi kayo handa magkaroon ng anak sa isa’t isa. Hindi mo dapat iasa ang proteksyon sa iyong fwb. Dapat ay pareho kayong may gamit na proteksyon – contraceptive para sa babae at condom sa lalaki upang maiwasang magkaroon ng aksidente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here