Tips para hindi magtaksil si Babae

0
281

Sa Tips para hindi magtaksil si Babae, magagawa kong sagutin ang katanungan ni Lee Atsoca.  

Kung ano ang kayang gawin ni Lalaki ay kaya ring gawin ni Babae. Sa pagtatrabaho, nagawa naman iyong patunayan ng mga kababaihan. Marami na rin naman kasing Misis na mas matagumpay sa kanyang Mister. Kaya lang, sa sobrang gusto ng mga babae na mapantayan ang mga lalaki, pati ang pagtataksil ay kanilang ginagawa.  

Nakakalungkot, pero ang mga babaeng saksakan ng hinhin noong panahon ng ating mga lola ay nagwawala na ngayon. Kahit hindi asawa ay inaasawa. Kaya namang noong nakaraang gumawa ako ng artikulo tungkol sa Tips para hindi mambabae si Mister https://philippineone.com/tips-para-hindi-mambabae-si-mister/ , may kalalakihan naman ang nag-react at nanghingi rin ng Tips para hindi magtaksil si Babae. Kaya, para sa mga lalaking madalas maloko, nandito na ang Tips para hindi magtaksil si Babae.  

Una, huwag mong pababayaan ang iyong partner. Hindi porke abala ka sa pagtatrabaho o pag-aral, pababayaan mo na ang iyong partner. Hindi porke mahal ka niya, makukontento ka na lang at hindi mo iisipin na kailangan din niya ang lambing at pag-aasikaso mo. Kahit hindi mo siya kasama, ipadama mo sa kanya na mahal mo siya. Pwede mo naman siyang i-chat o i-text. 

Pangalawa, hindi nasisiyahan sa sex. Pasintabi sa mga under age diyan, siyempre hindi ito para sa inyo kundi sa mga may asawa lamang. Kahit naman kasi mahal na mahal mo ang iyong Misis, kung nagkukulang ka rito, balewala rin. Kaya, dapat ay laging mainit ang samahan ninyo sa kama para wala siyang ibang gugustuhing makasama kundi ikaw at ikaw lang.  

Pangatlo, kapag nakikita mong malungkot si Babae kapag kasama ka. Kaya kung kasama mo ang mahal mo, kailangan ay 100 percent ang atensyon mo sa kanya. Kung makikita ka kasi niyang hindi ka ka rin interesado sa kanyang presensiya, maghahanap siya ng ibang magbibigay sa kanya ng atensyon at huwag mong hayaang mangyari iyon.  

Pang-apat, huwag mong pasasakitin ang kanyang ulo. Nang sagutin ka niya o pakasalan, iniisip ni Babae na ikaw ang kanyang Prinsepe o Knight in shining armour kaya kung ikaw ay mayroong bisyo o walang trabaho,mari-realize na niyang hindi ikaw ang lalaking kanyang inaasam. Kaya, kapag nakatagpo uli siya ng lalaking pinapangarap niya, maari ka niyang pagtaksilan. Kung ayaw mong mangyari ito, magtino ka.  

Panlima, ibigay mo ang makapagpapaligaya kay misis. Kung lagi mong lalamnan ang bulsa ni Misis, siguradong lagi siyang happy dahil may mga pambili siya ng mga gusto niya. Sa pagkakataong ito, kahit busy ka masyado sa trabaho, hindi pa rin niya maiisip na pagtaksilan siya dahil mayroon siyang ibang pinagkakabalahan. ‘Yon nga lang, medyo masakit iyon sa bulsa. Kaya nga kapag galante ang lalaki, tiyak na mas mai-in love sa kanya ang kanyang karelasyon.  

O, sana naman ay nagawa kitang matulungan para hindi ka mapagtaksilan ng iyong Mahal.  

Salamat sa pagbasa ng Tips para hindi magtaksil si Babae.

More I AM FILIPINO

More TIPS

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here