Tips para hindi ma-badtrip si Mister

0
223

Maria Angela Gonzales

PhilippineOne Editor in Chief:Ako si Maria Angela Gonzales, isang manunulat,nagtapos ng AB Masscommunication sa Far Eastern University. Nangangarap na maging kasing tanyag ni JK Rowling pagdating ng araw.

Latest posts by Maria Angela Gonzales (see all)

Tunghayan ang Tips para hindi ma-badtrip si Mister.

Hindi naman porke nagpalitan na ng ‘I do’ ang mag-asawa, nangangahulugan na magsasama na sila habambuhay. Kahit isang beses lang naman kasi ikinakasal ang tao, may tendensiya pa rin na hindi masunod iyon. Hindi naman siguro kaila sa inyo na sa Pilipinas ay maaari ka na mag-file ng annulment. Kapag naman nagpakasal kayo sa ibang bansa ay puwede kayong mag-divorce.

Para sa isang babae, ibig na niyang ang kanyang mister ang kanyang maging forever ngunit may pagkakataon na kahit anong pilit niya maaari pa ring magtapos ang kanilang lovestory. Nakalulungkot pero kalimitang ganito ang nangyayari. Gayunpaman, mga misis, maari mo naman talagang mapigilan ang paghihiwalay ninyo ni mister. Naniniwala naman kasi ako na hindi ka naman alukin ng kasal ng iyong asawa kung hindi buo ang pagmamahal niya sa’yo. Gayunman, hindi naman laging pagmamahal lang.

Kaya, nandito ang ilang Tips para hindi ma-badtrip si Mister.

Una, irespeto mo siya. Hindi porke masama ang gising mo o hindi nasunod ang iyong gusto ay magiging mainit na ang ulo mo tapos ay sisinghalan mo pa ang mister mo. Aba, Misis, hindi ka nagpakasal para magkaroon ka ng mapagbubuntunan ng inis araw-araw. Hindi rin maaring ipahiya mo siya kapag may ibang tao. Dapat ikaw ang maging tagapagtanggol niya dahil nga siya ay asawa mo. Ang kahihiyan niya ay kahihiyan mo rin.

Pangalawa, pagkatiwalaan mo siya. Kung mahal mo siya, pagkatiwalaan mo rin ang mister mo. Kapag nagpalam siya sa’yong lalabas ng kanyang barkada, huwag ka na mag-isip pa ng kung anu-ano. Kalimitan, ang agad na iniisip ng misis ay may kasamang babae si mister. Huwag kang masyadong selosa at nakakainis din naman iyon lalo na kung walang basehan.

Pangatlo, asikasuhin mo siya. Kung gusto mong maging sweet sa’yo si Mister, dapat naman gawin mo ang katungkulan mo bilang misis. Dapat naman kasi na inalagaan mo siya. Hindi maaari ‘yung hindi mo siya pinagluluto. Kahit naman kasi mayroon kayong katulong, mas maa-appreciate pa rin niya kung ipaghahanda mo siya ng makakain. Ngunit huwag mo rin siyempreng kalilimutang asikasuhin ang iyong sarili. Tandaan mo, kaya ka niya nagustuhan ay dahil maganda at sexy ka kaya kung mawawala mo ang una niyang minahal, baka mawalan siya ng gana sa’yo at maging daan pa iyon para maghanap siya ng iba.

Pang-apat, huwag maging gastadora. Ang responsableng mister ay gugustuhing ibigay sa kanyang pamilya ang lahat kaya naman magtatrabaho siya ng husto. Pagkatapos noon, isu-surrender niya sa kanyang misis ang kanyang kinita. Kaya dapat lamang na i-budget mo ang perang ibinibigay niya. Kung magiging maluho ka at hindi mo magagawang tipirin ang perang ibinibigay niya sa’yo, siguradong makakaramdam siya ng inis.

At dapat mong malaman na kapag ang inis ay hindi agad nasolusyunan ay mauuwi sa sama ng loob na maararin maging dahilan para tumabang ang pakikitungo niya sa’yo. Kaya, kung mayroon kayong problema o nararamdaman mong may hindi siya nagugustuhan, mag-usap na kayo. Huwag mong hayaan na lumala pa ang sitwasyon dahil magiging dahilan ‘yan para hindi kayo magkaroon ng forever.

Sana ay may natutunan kayo sa pagbasa ng Tips para hindi ma-badtrip si Mister.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here