Tips para di mawalan ng datung

Hindi lang dapat barya ang dapat mong iwanan sa’yong wallet o pitaka kung ayaw mo talagang mag-zero balance o walang-walang pera. Dahil may mga dapat kang ilagay sa mga sisidlan mo ng pera para pirmi kang magkaroon ng salapi.

Una, bigas. Ibig kasing sabihin nito ay magkakaroon ka ng kasaganahan. Hindi mo mararanasan ang magutom. Makabubuti siguro kung tatlumpu’t isang butil ng bigas ang ilalagay mo sa’yong pitaka dahil sinisimbulo nito ang bawat araw sa’yong buhay. Mangyayari lang siyempre iyon kapag may pambili ka lagi ng iyong kakainin.

Pangalawa, bulak.Dahil sa malambot ang bulak, magiging magaan din para sa’yo ang pasok ng salapi. May pagkataon kasi na kahit na mayroon kang inaasahang pera ay parang ang tagal-tagal ng pagdating. Kaya, kung nais mong di magkaroon ng problema sa pagpasok ng pera, maglagay ka kahit kapirasong bulak sa’yong pitaka.

Pangatlo, kendi. Hindi lang para may mangata ka kapag ikaw ay nagutom. Kailangan mo ito para maging matamis ang pagpasok ng pera sa’yong bulsa.

Pang-apat, asin. Tulad ng nasabi ko na sa isa kong artikulo, ang asin ay mabisang pangontra sa mga negative energy kaya makabubuting mayroon laging asin ang iyong wallet para lagi kang suwertehin.

O, sana ay nakatulong ang artikulong ito para ikaw ay di mawalan ng datung.

2 COMMENTS

  1. Pwd po ba ako huminge ng payo

    • Maria Angela Gonzales

      sure. Tungkol po saan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here