Tips para di magkautang

Alam mo ba ang paraan para di mo kailanganin ang mga taong nagpapautang? Naririto ang ilang Tips para di magkautang. Kaya, huwag mong isnabin ang artikulo na ito. Sa halip, basahin mo at tiyak na makakatulong ito sa’yo.

Una, mag aral kang mabuti. Dapat mong tandaan na di habambuhay ay naririyan ang mga magulang mo para ikaw ay suportahan. Ang mapag aral ka nila ang pinakamagandang regalo na maibibigay nila sa’yo kaya huwag mo ‘yang pababayaan. Seryosohin mo ang iyong pag aaral para magkaroon ka ng matataas na marka. ‘Yan ang magiging pasaporte mo para makakita ka ng magandang trabaho.

 Pangalawa, maging masipag. Kung magiging masipag ka ay siguradong mapapansin ka ng boss mo at agad mapu promote. Kung malaki ang sahod mo, tiyak na di ka na kakapusin pa lalo na’t wala ka pa namang sariling pamilya. Kung sakali namang may mga taong nakadepende sa’yo, mas dudoblehin mo pa ang iyong sipag para maipakita mo sa’yong bossing na asset ka sa kanyang kumpanya.

 Pangatlo, huwag maging maluho. Sa pagiging maluho mo kasi magsisimula ang iyong pagbagsak kaya huwag mo hayaan na mangyari iyon. Hindi mo naman kasi kailangan ang magagarang kagamitan dahil binubulag ka lang niya sa mga materyal na bagay. Kahit na malaki ang sahod mo kung magiging maluho ka, magkakautang utang ka pa rin.

 Pang apat, magtipid. Di mo naman kailangan ang gumastos ng husto para lang masabi mo sa ibang tao na may pera ka. Sure naman ako na marami na ang nakakaalam noon kaya huwag mo na ipagmalaki. Isipin mo na lang na kapag gumasta ka ay tiyakin mong kapaki pakinabang ang iyong bibilhin para di ka makaramdam ng panghihinayang sa huli.

 Panlima, mag ipon. Di mo kakailanganin ang mangutang kung mayroon ka namang huhugutin kapag may emergency.

 O, kaya mo ba ito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here