Tips pangkalusugan sa panahon ng tag-ulan

723

Kapag ang nakapapasong init ng tag-init ay sinundan ng malamig na tag-ulan, hindi lamang nito pinananariwa ang bawat nabubuhay na organismo sa planeta, dala rin nito ang iba’t ibang sakit na makakaapekto sa kalusugan ng tao.

Mga sakit tulad ng pagkalason sa pagkain, cholera, ubo, sipon, lagnat, poor digestion, jaundice (paninilaw ng balat), typhoid  at disenterya ay karaniwan, subalit hindi kanais-nais na kasama ng tag-ulan.

Lahat tayo, pagtikular na ang mga bata at matatanda ay mas madaling mahawa sa mga impeksyong ito. Iyong naghihirap sa mga sakit tulad ng sa diabetes mellitus, heart diseases, rheumatism at lung infections/disease  ay mas madaling kapitan kaysa iba. Kaya naman, mahalagang alagaan ang kalusugan at ang iyong pagkain sa panahon ng tag-ulan. 

Narito ang 10 tips na pangkalusugan sa panahon ng tag-ulan:

  1. Panatilihing hydrated ang sarili: Maaaring iyong ipagtaka kung bakit kailangang uminom ng maraming tubig habang tag-ulan. Narito ang sagot – kapag tag-ulan, ang pawis ay hindi agarang sumisingaw o natutuyo dahil ang humidity levels ay mataas at ito ang humahadlang sa katawan upang pakawalan ang init. Dahil dito, ang palagiang pag-inom ng baso ng tubig ay ipinapayo. Iwasan din ang mga carbonated drinks dahil binabawasan nila ang mineral levels na pumipigil sa enzymes na magtrabaho nang maayos na nagreresulta sa indigestion. Sa halip ay uminom ng maiinit na inumin tulad ng ginger tea. Ugaliin ding uminom ng pinakuluan o malamig na tubig.
  2. Magkaroon ng balanseng pagkain:  Dahil sa ang pagtunaw ng pagkain habang tag-ulan ay mabagal, katamtaman lang ang gawing pagkain at kung gutom lamang kumain. Ang pagkain kung hindi naman gutom ay maaaring magresulta ng impatso at kung minsan ay jaundice .


Ang mga gulay tulad ng bitter gourd, bitter herbs tulad ng  neem at haldi (turmeric) ay mayaman sa antioxidants at ang nakagagamot na sangkap ng mga ito ay makatutulong na hadlangan ang impeksyon. 

Siguraduhing kumain ng mga prutas tulad ng cherries, bananas, apples, pomegranates, plums, litchis, pears at mga gulay kagaya ng carrots at radish. Mga pampalasa tulad ng pepper, asafoetida (hing), turmeric at coriander ay nagpapabuti ng immunity, gayundin ay tumutulong sa pagtunaw ng pagkain. 

  1. Kumain ng malinis at sariwang pagkain:  Siguraduhing nahugasang mabuti ang lahat ng prutas at gulay bago ito kainin, lalo na ang dahon ng gulay. Pasingawan ang dahon ng gulay at ang cauliflower upang mamatay ang mikrobyo.  Ang mga kontaminadong pagkain ay maaaring magdulot ng sakit tulad ng paninilaw ng balat.  
  2. Ang bagong lutong pagkain ay inirerekomenda. Ang mga sabaw at sinigang ay makatutulong din, kahit na hindi sila solid na pagkain, nakabubusog pa rin. Subukang kumain nang lutong pagkain sa halip na mga hindi nilutong gulay at salads, maliban kung sila ay organic.
  3. Hadlangan ang mga sakit na dulot ng tag-ulan: Ang pagpuksa sa mga lamok habang tag-ulan ay napakahalaga upang maiwasang dapuan ng malaria. Ang mga naipong tubig ay siyang lugar kung saan nanganganak at dumarami ang lamok.


Ugaliing itapon ang lamang tubig ng mga flower vases o anumang puwedeng pag-ipunan ng tubig sa loob at labas ng bahay na hindi na ginagamit upang makontrol ang pagdami ng lamok. Gumamit din ng mga mosquito nets, repellents at creams na mabibili sa mga tindahan upang protektahan ang sarili sa kagat ng lamok. Maaari ding gumamit ng camphor o cloves sa mga kusina upang maitaboy ang mga insekto at anay habang tag-ulan.

  1. Ang pagbili ng mga pagkain sa street vendors ay lubhang ipinagbabawal:  Ang pagbili ng pagkain na inilalako ng mga street vendors ay dapat iwasan. Ang mga meryenda tulad ng  mga fried items o juices ay lubhang nakakatakam. Gayunman, maaaring ito ay may mga bacteria na nagdudulot ng indigestion. Ang mga prutas na itinitinda rin sa kalsada ay siyang pangunahing sanhi ng pagkalason sa pagkain at dapat iwasan.
  2. Iwasan na madumihan o maputikan ang mga paa: Iwasang manatiling basa ang mga paa. Kung sakaling hindi maiwasan na maputikan at mabasa ang paa, agarang linisin at tuyuin ito ng tuyong tuwalya. Ang mamasa-masang paa ay maaaring magdulot ng fungal infections at athlete’s foot. Ang mga impeksyon ito ay makakaapekto sa daliri ng mga paa at kuko. Kung ikaw ay diabetic, kailangang alagaang mabuti ang mga paa. Panatilihing tuyo at malinis sa lahat ng sandal ang iyong sapatos, medyat at mga panangga sa ulan.
  3. Mag-ehersisyo habang tag-ulan: Ang ambon at ulan sa umaga at gabi ay maaaring makaantala sa iyong page-ehersisyo. Gayunman, maaaring masolusyonan ito sa page-ehersisyo sa loob ng bahay. Maaaring gawin ang mga simpleng ehersisyo tulad ng stretch exercises, sit-ups, waist and knee bends sa sala o sa kuwarto upang i-flex ang muscles.
  4. Pag-aalaga ng mga bata at matatanda: Kinagigiliwan ng mga bata ang paliligo sa ulan. Madalas, sa pagpunta o pag-uwi mula sa paaralan ay nababasa sa ulan ang mga bata. Kaya naman, ang paliligo nang maligamgam na tubig na sasamahan ng pag-inom ng antiseptic ay inirerekomenda. Iwasan ang mga junk food na maaaring magdulot ng impeksyon at paulit-ulit na pagbisita sa doktor. Makatutulong din sa pagpapalakas ng katawan ng mga bata ang paghigop ng mainit na sabaw at sinigang. 

Ang iba pang grupo ng tao na kailangan ng espesyal na atensyon habang tag-ulan ay ang matatanda. Ang pag-iwas sa paglalakad sa park kung saan katatapos lang umulan o kaya sa mga lugar na putikan ay ipinapayo. Maaari kasing madulas ang matatanda at magkaroon ng pinsala sa katawan. Gayundin, sikaping may mga nakatagong gamot sa bahay sakaling hindi makalabas ng bahay dahil sa ulan.

  1. Mga damit at kasuutan ng paa: Maluluwag at mga yari sa cotton ang mga damit na mabuti habang tag-ulan. Ipinapayo ding umiwas sa pagsusuot ng jeans dahil matatgal itong patuyuin. At saka gumamit ng talcum/prickly heat powder sa mga lugar na madaling kapitan ng fungal infections. Huwag gumamit ng mga basang sapatos dahil magdudulot ito ng impeksyon. Kung makakayanang bumili ng isa pang sapatos ay gawin ito upang may pamalit na magagamit. Huwag maglalakad nang walang sapin. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here