Tips Kung Paano Susuwertehin sa Pag-ibig

0
109

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Sa lahat ng bagay ay may malas at suwerte. Habang ang iba ay naniniwalang ito ay destiny kaya kahit pa ano ang gawin mo ay sasapitin at sasapitin mo pa rin kung anuman ang estado mo ngayon sa pag-ibig. Gaano ka man maging mapagbigay o gaano ka man magin mailap dito, sa dulo ay hahantong ka pa rin sa iyong kapalaran. Pero may mga pwede naman tayong gawin para mapaganda ang daang tinatahak natin patungo sa ating destiny. Narito ang mga payong pwede mong ipagkibit balikat at pwede mo rin namang sundin.

1.Mahalin mo ang iyong sarili. Bago ka magmahal ng iba ay siguraduhin mo muna na naibibigay mo sa iyong sarili ang pagmamahal na gusto mong ibahagi sa iba o sa isang espesyal na tao. Kung hindi mo ito gagawin, ang mangyayari ay maibubuhos mo ang pagmamahal sa isang tao na maaaring humantong sa kanyang pagkasakal sa inyong pag-ibig. Mamahalin mo siya ng sobra na akala mo ay labis niyang ikasisiya pero ang hindi mo alam ay natatakot na pala siya. Samantalang kung mabibigyan mo ng pagmamahal ang sarili mo, maibibigay mo rin ang tamang porsiyento ng pagmamahal para sa iyong kabiyak at ang pagmamahal na meron ka ay mababalanse.

2.Maging bukas at malawak ang pag-iisip. Sa pag-ibig hindi lang puso ang dapat na pinaiiral, kundi dapat mo ring paganahin ang iyong isip.Kung puro puso ang iyong paghahariin ay mapupuno ka ng emosyon at maisasantabi mo ang tamang katuwiran. Dapat na maging open ka sa mga challenges and changes sa inyong relasyon at maging malawak ang iyong isip sa pagtanggap sa bawat sitwasyon nang sa gayon ay maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan at mapalawig nyo pa ang inyong samahan.

3.Matutong kumilatis. Sabi ng iba ay hindi mo raw mapipili ang iyong mamahalin. Maaaring may punto sila kung ang kanilang pinagbasehan ay ang kanila mismong karanasan o karanasan ng mga taong malapit sa kanila. Kaya ba kung sino na lang ang dumating ay siya mo na lang yayakapin? Dapat kang matutong kumilatis kung ayaw mong malasin sa pag-ibig. Dapat matuto kang magbackground check kung mabuting tao ba ang iyong napupusuan. Baka naman meron na siyang pananagutan. Sa ayaw mo man at sa gusto dapat mong masiguro na siya ay para sa ikabubuti mo para sa huli ay hindi mo masasabi sa sarili mo na walang forever.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here