Tips Kung Paano Mo Maaalis ang Tampo ni Mahal

0
94

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Nahihirapan ka ba kapag nagtatampo siya? Kung minsan hindi talaga maiwasan sa isang magkarelasyon na magkaroon ng tampuhan mode. Lalo na kung babae ang magtatampo. May mga babae na hindi agad nagpapasuyo. Meron din namang hindi mo agad malalaman na siya ay nagtatampo. Kung sakali naman na malaman mong masama na nga ang loob niya sa’yo, narito ang ilang tips na pwede mong gawin para sya ay muling mapaamo at ang tampo sa puso niya ay biglang maglaho.

1.Dalhan mo siya ng paborito niyang pagkain. Mas mainam kung ito ay bibigyan mo ng effort at hindi yung binili lang. Halimbawa ay mahilig siya sa matamis, igawa mo siya ng dessert na may sariling disenyo mo na may nakalagay na sorry. O kung paborito naman niya ang adobo, maaari mo siyang ipagluto nito at ilagay sa lalagyanangg nilagyan mo ng ribbon o bulaklak bago mo ito dalhin sa kanya.

2.Kung may pera ka rin lang, pwede mo siyang bigyan ng gamit na alam mong makakapagpasaya sa kanya. Halimbawa siya ay mahilig sa pabango o kaya ay stuffed toy o tuta kung mahilig siyang mag-alaga nito at kahit na anupamang alam mong ikatutuwa niya. Syempre pa samahan mo ng card saying sorry.

3.Kung kayo naman ay magkasama sa isang opisina, pwede mo siyang tulungan sa kanyang mga paperworks, project o anuman na alam mong makagagaan sa gawain niya sa inyong trabaho. Siguradong magiging magaan na rin ang loob niya sa’yo.

4.Kung mahilig naman siya sa pagkanta, maaari mo siyang haranahin tulad ng style old school. At syempre pa ang kakantahin mo ay yung kanta na alam mong kikiligin siya. Kung medyo sablay naman ang boses mo pwede mo itong ipakanta sa iba habang ikaw ay may hawak na bulaklak para sa kanya.

Sa gitna ng iyong pagpupursige na mawala ang kanyang pagtatampo sa’yo ay huwag mong kakalimutan na ang pinakamabisang paraan para mapatawad ka niya ay ang aminin mo ang iyong pagkakamali at maramdaman niya ang sinseridad ng iyong sorry. At higit sa lahat, ipangako mo na hindi mo na uulitin anuman ang iyong nagawa na naging dahilan ng kanyang pagtatampo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here