Tips Kung Paano Makakalabas sa Malas na Relasyon

0
173

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Hindi ka na masaya sa inyong relasyon pero hindi mo alam kung paano makakalabas dito? Maaaring meron kang takot o pangamba sa magiging resulta ng pagkalas mo sa inyong relasyon. Pero hindi mo ba naiiisip kung ano ang mga posibleng mangyari sa’yo kung ipagpapatuloy mo naman ang pakikisama mo sa isang tao na hindi mo na gusto o isang kapareha na puro kamalasan na lang ang idinudulot sa’yo? Kung nawawalan ka na ng pag-asa, ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa sa artikulong ito at baka makatulong sa’yo ang ilang tips kung paano ka makakalabas sa malas mong relasyon ng walang pangamba sa dibdib.

1.Ang una mong dapat gawin ay humingi ng suporta sa iyong pamilya tulad ng iyong mga magulang o kaya naman ay pinakamalapit na kaibigan. Importante na makuha mo ang kanilang simpatya nang sa gayon ay malaman mo kung nasa tamang direksyon at posisyon ka ba para gawin ang iyong plano. Mahalaga ang kanilang opinyon bilang sila ang mga taong tunay na nagmamalasakit sa’yo.

2.Kailangan mong mapigilan ang sarili mo na makaramdam ng awa sa iyong karelasyon. Kapag naramdaman niya ang balak mong pagkalas ay maaari siyang magpaawa effect upang hindi mo ituloy ang iyong nais gawin. Taktika niya ito para hindi ka makawala sa kanya. Unfair ito para sa’yo. Maaaring makita mo siyang masaktan pero hindi ka responsable sa kanyang emosyon kung mas higit pa rito ang sakit na ipinaranas niya sa’yo. Bago ka maawa sa kanya ay una mo munang kaawaan ang sarili mo.

3.Huwag mong subukan na kaibiganin siya kung sakali man na makawala ka na sa kanya. Ang kamalasan at paghihirap na pinagdaanan ng inyong relasyon ay hindi maaaring maging pundasyon ng isang pagkakaibigan. Kailangan mo munang palayain ang sarili mo nang tuluyan dahil kung lilingunin mo siya at susubukan na makipagkaibigan matapos ang malas mong pakikipagrelasyon sa kanya, malaki ang posibilidad na humakbang ka ulit pabalik sa kanya at sa muling pagkakataon ay makulong ka sa relasyon na may kakabit na kamalasan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here