Tips Kung Paano Magpatubo ng Lemon sa Loob ng Bahay

0
245
John Ryan Cornista
John Ryan Cornista

Latest posts by John Ryan Cornista (see all)

Maraming benepisyo ang naibibigay ng lemon para sa ating kalusugan kaya naman karamihan sa atin ay nahuhumaling dito. Lalo na yung mga nagda-diet. Ang lemon ay nakakapagsupply ng tamang electrolytes sa katawan para mapanatili ang dami ng tubig. Nakakatulong sa pagpapanatili ng tamang bood pressure. Nakakatulong para matunawan at marami pang ibang tulong sa ating kalusugan.

Karamihan sa atin ay bumibili lang nito ng madalas dahil walang sariling tanim. Medyo may kamahalan dahil sa dami ng benepisyo nito kaya naman kung minsan ay masakit na rin sa bulsa. Pero dahil sa kagustuhan nating mapakinabangan ang lemon ay bibilhin at bibilhin natin ito sa anumang halaga. Kung atin namang gugustuhin ay pwede rin pala tayong makapagpatubo ng sarili nating lemon maski sa loob lang ng ating bahay kung wala kang bakuran na mapagtataniman.

Narito ang ilang tips na makakatulong sa’yo kung paano gawin ito.

1.Una ay kailangan mong pumili ng organic lemon since ang non-organic lemons ay kadalasang nagtataglay ng mga butong hindi tumutubo. Ihanda ang iyong fertile potting soil at natural na fertilisers. Ihanda mo rin ang seedling pot na may 24 inches na lawak at lalim na 12 inches. Habang ang planting pot ay 6 inches naman ang wide at 6 inches din ang lalim. Kahit nasa loob ng bahay ay pumili ka ng pwesto kung saan nakakapasok pa rin ang araw at maaabot ang iyong tanim.

2.Basain ang lupa hanggang sa maging mamasa-masa ito pero hindi naman kailangan na nalulunod sa tubig. Punuin ng lupa ang iyong maliit na paso hanggang sa pinakailalim nito.

3.Hiwain at buksan ang lemon. Alisin ang mga buto. Alisin din ang mga sapal sa ibabaw nito. Kailangan kapag ibinaon mo ang mga buto sa iyong lupa ay mamasa-masa pa ito. Ibaon ang buto hanggang sa kalahati ng lupa.

4.Ispreyan ng tubig ang lupa mula sa ibabaw kung saan mo itinanim ang mga buto.

5.Takpan ang iyong paso ng plastic cover o kahit na anong plastic wrap na malinaw. Siguraduhin na nakasarado ang bawat sulok gamit ang goma bilang pangsealed. Tusukan ng isang maliit na butas ang ibabaw gamit ang lapis.

6.Ilagay ang iyong paso sa pwesto na nasisikatan ng araw. Kailangan na manatiling nagmomoist ang lupa. Huwag itong hahayaan na matuyo.

7.Kapag may nakita ka ng lumitaw na usbong ay maaari mo nang tanggalin ang cover. Kailangan mong masiguro na palaging basa ang lupa at nasisikatan ito at least walong oras sa isang araw. Huwag mo rin kakalimutan na lagyan ito ng abono.

8.Bantayan ang iyong tanim mula sa mga insekto na maaaring umatake rito. Alisin din ang mga dahon na magba-brown ang kulay. 9.Kung sa tingin mo ay lumalaki na ang iyong lemon tree, maaari mo itong ilipat sa mas malaking paso. Tulad din ng proseso kung paano mo ito unang itinanim.  Tandaan na ang bagong tanim ay mas nangangailangan ng maraming tubig. Subalit hindi rin dapat na magkulang sa tubig ang lumang tanim

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here