Tips Kung Paano Magkakaroon ng Loyal na mga Kaibigan

Nalulungkot ka ba dahil wala kang kaibigan o meron kang mga tinatawag na kaibigan pero hindi naman loyal sa’yo? Ang mga kaibigang hindi loyal o hindi tapat, sila yung mga kaibigan na handa kang ilaglag kapag nagkagipitan mailigtas lamang ang sarili. Sila yung mga kaibigan na kaya kang saksakin habang ikaw ay nakatalikod. Sadyang napakahirap humanap ng mga kaibigang totoo lalo na sa panahon ngayon na masyado ng magulo ang mundo. Hindi mo alan kung sino ang pagkakatiwalaan mo dahil maraming lobo ang nag-aanyong tupa makalapit lang sa’yo. Ang paghahanap ng tunay na kaibigan ay para ring paghahanap ng tunay na pag-ibig. Sa aminin man natin o hindi, mahalaga ang pagkakaroon ng loyal na kaibigan sa ating buhay kaya kailangan mong maging maingat at mapili sa iyong kakaibiganin. May mga paraan kung paano ka makakakuha nito. Kailangan taglay ng pipiliin mo ang mga sumusunod na katangian.

Hindi nagbibigay ng kondisyon. Ang kaibigan na hindi nagbibigay ng kondisyon sa inyong relasyon bilang magkaibigan ay isang tapat na kaibigan. Yung tipong hindi mo kailangang makipagsabayan kung siya man ay nakakaangat  sa’yo o kung siya man ay higit na matalino.

Responsable. Ang kaibigan na responsable sa kanyang salita at gawa ay mapagkakatiwalaan. Dahil alam niya rin ang responsibilidad sa inyong relasyon. Maaasahan mo siya sa mga sitwasyon na kailangan mo ng masasandalan. Problema man ito sa pera o hindi.

Alam ang limitasyon. Ang kaibigan na alam kung hanggang saan ang limitasyon na dapat niyang pasukin sa buhay mo ay masasabi mong loyal na kaibigan. Ito ay isang paraan ng pagpapakita niya ng respeto sa’yo bilang isang indibidwal at handa lamang umalalay sa’yo kapag alam niyang kailangan mo ng isang kaibigan.

Positibong tao. Importante na ang pipiliin mong kaibigan ay positibong tao. Yung hindi makakaimpluwensya sa’yo ng masama at mag-aakay patungo sa kapahamakan. Ang tao na may positibong pananaw sa buhay ay isang kaibigan na gugustuhin kang makasabay patungo sa tagumpay. Hindi ka iiwan sa oras na ikaw ay naguguluhan.

Ang mga katangiang nabanggit ay hindi lamang dapat taglayin ng iyong napiling kaibigan kundi mahalaga na taglay mo rin ang mga katangiang ito. Hindi ka makakakuha ng loyal na kaibigan kung ikaw mismo ay hindi loyal sa kanya.

More Relationships

More I AM FILIPINO

More TIPS

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here