Tips Kung Paano Maging In sa Summer

Ramdam mo na ba ang pagpasok ng summer? Sa panahon pa lang ay mararamdaman mo na ang init na tumatagos sa iyong laman. Hindi lang sa haplos ng panahon kundi maging sa paligid ay makikita na rin na talagang panahon na para ilabas ang mga natatago nating swimsuit, swimming trunks, shades at kung anu-ano pang bagay na may kinalaman sa summer. Bukod sa ootd, ay kanya-kanya na rin ng hain ang mga tao sa mga pagkaing magpapalamig sa ating mga naiinitang sikmura tulad ng halo-halo, buko juice, ice cream at ibat-ibang flavor ng mga palamig. Bilang isa ka rin sa naiinitan, syempre ayaw mong magpahuli sa mga uso. Pero dapat ka ba talagang sumunod sa uso o baka naman pwedeng ikaw naman ang magpauso? Narito ang ilang tips na maaari mong magamit kung nais mong maging happy ang summer mo.

1.THE BEST UKAY. Kung problemado ka dahil wala kang pambili ng iyong swimming attire sa mga mall, huwag kang mag-alala dahil marami namang paraan para magkaroon ka ng style na bet mo. Marami kang mabibiling mura sa mga ukay-ukay. Kailangan mo lang maging smart at madiskarte sa pagpili. Huwag kang pumili na mura pa sa mura, kung swak na sa budget mo at kursunada mo ang design, i-grab mo na. Pero kung gusto mo naman na sa’yo mismo magmula ang disenyo , buy ka na lang ng mumurahing tela para ikaw ang makapagdisenyo nito.

2.PINAGLUMAANG DAMIT. Ang mga lumang damit na hindi mo na isinusuot ay maaari mo ring gawing summer outfit. Kung mapapansin nyo ay pabalik balik lang naman ang mga nauusong ootd. Tulad ng mga stripes, floral or polkadots. Gayundin ang iba’t-ibang style.Kaya ang mga sinuot mong uso noon ay pwede mo pa namang magamit ngayon. Or kung meron kang damit na walang design ay pwede mo itong lagyan ng design na siyang uso sa kasalukyan. Pwede mo rin itong iremake ayon sa style na gusto mo. Bawasan kung gusto mo ng medyo maigsi o dugtungan ang tela kung type mo naman ala dalagang Filipina.

3.SARILING RECIPE. Pagdating naman sa pampalamig na panlaban sa napakainit na panahon, kung hindi mo afford ng masarap na halo-halo, milk tea at ice cream, pwede ka namang gumawa ng sarili mong recipe. Kailangan mo lang ng yelo at isang prutas ayon sa gusto mo. Dudurugin mo lang ang prutas at ihahalo sa yelo , konting gatas at asukal meron ka ng sariling pampalamig. O pwede rin naman na gumamit ka na lang ng mga murang flavoring . Pwede ka ring sumubok ng iba pang desserts gaya ng mga pan cakes na ikaw mismo ang magdedesign. Harina, itlog at asukal makakagawa ka na nito.

4.MURANG PALIGUAN. Hindi mo kailangan ang mainggit sa mga nagpupuntahan sa malalayo at mamahaling paliguan. Pwede ka naman sa mura. Daanin mo lang sa magandang awrahan ang mga simpleng sulok ng resort na afford mo. Kailangan mong pairalin dito ang pagiging creative mo para naman pagpinost mo hindi na masyadong papansinin ang resort kundi kung paano mo ito pinaganda sa paningin nila dahil sa maganda mong pagdadala.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here