Tips Kung Paano Magiging Espesyal Ang Araw Ng Mga Puso

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Tuwing araw ng mga puso ay bumabaha ng mga bulaklak. Magaganda at espesyal. Kahit pa may kamahalan ang mga ito ay bibilhin at bibilhin pa rin ng mga tao maging espesyal lamang ang araw na ito para sa mga mahal nila sa buhay. Bibili rin sila ng mga nagtatamisang chocolates na nakabalot ng maganda with matching ribbon pa. O kaya ay isang malaki at malambot na stuffed toy bilang pangregalo. Siguradong magiging punuan din ang mga hotel, motel at restaurants para sa nasabing okasyon. Gagawin ang lahat para masabing naipagdiwang nila ang araw na ito na espesyal. Pero pwede rin naman gawing espesyal ang araw na ito na hindi na kailangan pang gumastos ng malaki o mag-effort ng todo todo. Narito ang ilang tips na maaari mong subukan.

1.Gumawa ng bagay na alam mong magugustuhan ng iyong mahal. Halimbawa sa mag-asawa, kung siya ay laging pagod sa mga gawaing bahay, pwede mong ilaan ang araw na ito para sa kanyang pagpapahinga. Ikaw ang gumawa ng lahat ng kanyang ginagawa habang siya ay nag-eenjoy sa kanyang rest day.

2.Kung boyfriend/girlfriend pa lang naman kayo, kahit hindi mo siya dalhin sa isang expensive na lugar sa halip ay dalhin mo siya sa lugar na alam mong gusto niyang puntahan. Halimbawa ay mahilig siya sa mga historical places, doon mo siya dapat dalhin.

3.Hindi naman kailangan na laging may pa-flowers ka na expensive lalo na kung out of budget ka na. Pwede naman na mumurahing bulaklak lang pero didiskartehan mo lang kung paano ito magiging maganda sa paningin niya. Be creative ika nga.

4.Kung hindi ka nakapagpareserve sa mamahaling resto o wala ka talagang pampareserve, mas ok na ipagluto mo na lang siya ng paborito niya. Make sure lang na napag-aralan mo itong lutuin bago mo ipagmalaki sa kanya para hindi ka mapahiya.

5.Kung may boses ka naman kahit papa’no, pwede mo siyang kantahan ng paborito niya. Parang harana ang dating. Old style pero sinisiguro kong konti lamang ang babae na hindi gugustuhin na hinaharana sila ng kanilang mahal. Maganda rin kung babae naman ang mag-aalay ng song for her man.

6.Pero ang pinaka the best na magagawa mo para maging espesyal ang araw ng mga puso sa taong mahalaga sa’yo, ito man ay ang iyong kabiyak, kaibigan, kapatid o mga magulang ay ang maglaan ka ng oras para sa kanila sa araw na ito. Your precious time is the most special gift you can ever give to them.

SHARE
Previous articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Pebrero 8, 2020
Next articleChinese Horoscope; Pebrero 8
Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here