Tips Kung Paano I-Handle Ang Toxic Boss

0
78

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Sino ba ang may gusto na meron siyang boss? Kung ako ang tatanungin, mas gusto kong kumita ng pera sa sarili kong paraan at sarili ko lang ang sinusunod ko. Sa kabilang banda,wala namang masama na magkaroon ng boss as long as mabuti ang inyong samahan. If not, may mga paraan din naman kung paano mo maiha-handle ang iyong toxic boss kung no choice ka kundi magstay sa work mo. Narito ang ilang tips na maaari mong pakinabangan.

1.Kung ikaw ay binubully ng iyong boss.

Hangga’t maaari ay huwag kang magpapakita sa kanya ng emosyon ng isang talunan. Be casual and be patient. Baka hindi mo alam ay sinusubukan ka lang niya. Once na makita nya ang iyong kahinaan, the more na makita niya ang fear sa’yo ay the more na ibubully ka niya. Dapat mong maipakita sa kanya na mahihirapan siyang i-turn down ka.

2.Kung ang iyong boss ay palautos.

Kung kaya mo rin lang ang kanyang mga inuutos at may kinalaman naman ito sa trabaho mo ay go ka lang. Chill. Pero kung out of your job na ang mga ipinapagawa niya sa’yo at naaapektuhan na ang iyong trabaho, speak your mind. Sa paraan na hindi naman mawawala yung respeto mo sa kanya bilang siya ang nakatataas. Kadalasan kasi, nangyayari ang pang-aabuso ng isang boss sa isang trabahador kapag walang nagsasabi na mali na ang kanyang ginagawa.

3.Ituon mo ang buong atensyon sa trabaho.

Sa mga oras na inis na inis ka na at pikon na pikon na sa iyong boss, ituon mo ang buong atensyon mo sa trabaho. Mag-isip ka ng mga bagong ideya na makakatulong sa’yo para mapagaan ang iyong trabaho. Isipin ang magagandang dulot sa’yo ng trabaho mo like your income, friends at work, at improvement sa sarili mo. Subukan mong alisin sa isip mo ang iyong boss kahit pa magkaharap lang ang table nyo.

4.Ipakita sa iyong boss ang kakayahan mo.

Ang  toxic boss ay gustong gusto na makitang nahihirapan at natatakot sa kanya ang kanyang empleyado. Kaya naman sa halip na magworry sa tuwing ikaw ay nasa trabaho, make up your mind and act like you’re a company asset. Hindi naman ibig sabihin ay pagmalakihan mo o yabangan mo ang iyong boss. Ipakita mo lang sa kanya ang iyong kakayahan. Na meron ka ring malaking maitutulong sa kumpanya. Na marami kang ideya na pwede mong maibahagi. In short, improve yourself and prove your skills. Kapag nakita ka niyang very talented and down to earth, magdadalawang isip na siyang ibully ka.

5.Kaibiganin ang iyong boss.

Medyo mahirap kaibiganin ang isang tao na kinaiinisan mo o toxic para sa’yo. Pero isa ito sa pinakamabisang paraan para hindi na magsilbing toxic sa’yo ang iyong boss. Pwede mo siyang gamitan ng reverse psychology. Sa kabila ng pagsusungit niya sa’yo, you can try to be nice and offer her or him your friendship.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here