Tips Kontra Stress

0
184
John Ryan Cornista
John Ryan Cornista

Latest posts by John Ryan Cornista (see all)

Ang sakit sa bangs, yan ang kalimitan kong naririnig ngayon sa mga kababaihan na naii-stress sa kanilang buhay. Hindi kasi maiiwasan na sa ating trabaho o sa loob man ng ating tahanan ay makaranas tayo ng stress na dulot ng mga nagsusulputang problema. Pero ano nga ba ang mabisang pangontra para hindi natin ito masyadong indahin? Narito ang ilang tips na maaari nating gawin.

1.Makipag-usap tungkol dito. Siguro sasabihin mo na ayaw mo nga pag-usapan ang dahilan ng stress mo e. Pero ang hindi mo alam, habang sinasabi mo ito sa mga taong pinagkakatiwalaan mo o kahit sa isang tao lang na alam mong makakaintindi sa’yo, ang stress mo ay nababawasan. The more na mailabas mo ito ay the more na nagiging helpful ito sa’yo.

2.I-relax ang sarili. May mga paraan para mairelax natin ang ating sarili tulad na lang ng meditation, tamang ehersisyo, sapat na pahinga at pagtulog. Sa ganitong paraan ang stress na ating nararamdaman ay parang bukol na unti-unting lumiliit.

3.Matutong sumagot ng NO kung hindi naman talaga pwede.

Kung minsan kasi ay pinipili na lang natin na magpatangay sa agos, oo na lang tayo ng oo sa sinasabi ng iba. But deep inside ay ayaw naman talaga natin. Kapag ganito ang sitwasyon ay umuusbong ang stres sa ating isipan nang hindi natin namamalayan. Kaya ang manindigan sa sarili mong paniniwala ay para na ring isang paglaya.

4.Enjoy yourself.

Dahil naman sa sobrang kaabalahan natin ay hindi na natin nagagawang bigyan ng panahon ang ating sarili. Mainam din na paminsan minsan ay i-treat natin ang sarili natin, bilhin mo ang gusto mo para sa iyong sarili o kainin mo ang pagkain na favorite mo. O kaya ay pwede ka ring mag-enjoy habang nasa bahay ka lang at nakikinig ng mga favorite songs mo. Do something na pabor para sa sarili mo.

5.Magkaroon ng healthy lifestyle

Palagi din nating alalahanin na ang pagkakaroon ng healthy lifestyle ay isang magandang solusyon para makaiwas tayo sa stress. Eat right, sleep right, and exercise. Iwasan ang mga bisyo dahil makakadagdag lamang ito ng stress.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here