Tipid Tips Para sa mga Babaeng nasa 30s

1391
Tipid Tips Para sa mga Babaeng nasa 30s

Para sa karamihan ng babae, single man o may asawa na, mayroong pressure sa pag-iipon. Ang una mong tatandaan para maiwasan ito ay hindi mo kailangan ma-pressure. Tandaan mo lagi na walang naidudulot na maganda ang takot at mga negatibong pakiramdam.

Tingnan ang mga tips na ito upang malamang kung paano makakapag-ipon nang walang pressure sa kahit anong bagay.

  1. Magkaroon ka ng career plan.

Nakaka-ipon ka ba sa trabaho mo ngayon? Kung hindi, bakit sa tingin mo ganun ang nangyayari? I-tsek mo ang plano mo sa career mo at tingnan mong mabuti ano ang mga matagal mong plano para sa sarili mo. Kung wala pa, mag-isip isip ka na. Tandaan ang quote na “If you fail to plan, you plan to fail.”

  1. Tingnan mo ang iyong lifestyle.

Nabubuhay ka ba ayon sa kinikita mo? Baka hindi mo namamalayan ay gumagastos ka na ng malaki kahit sa maliliit na bagay na binibili mo. Tandaan, hindi mo kailangan mabuhay ng marangya, kung ang future mo naman ay walang patutunguhan. Mas ok pa na namumulubi ka araw araw kaysa walang wala ka na sa future.

  1. Gumamit ka ng App para ma-track ang mga gastusin mo.

Mag-download ka ng application na pwedeng tulungan ka sa pag-tsek ng gastusin mo. Maaari mong itry ang

  • PocketGuard
  • Home Budget
  • Wally
  • Dollarbird
  • Clarity Money
  • Wela
  • Unsplurge
  1. Magkaroon ng emergency fund.

Importante sa lahat na magkaroon ka ng emergency fund dahil hindi mo alam kung kalian darating ang sakuna o problema. Mas mahalagang maging handa kaysa laging nagagahol sa pera.

  1. Magkaroon ka ng sarili mong bank book.

Para sa akin, ang pagkakaron ng bank book ay importante dahil kapag naka ATM ka, mas madali para sayo mag-withdraw at magwaldas ng pera. Kapag naka-bank book ka, hindi accessible agad agad ang bangko para sayo dahil ang bank operating hours ay hindi umaabot ng gabi.

  1. Gawin mo ang 50-20-30 Rule

Hatiin mo ang sweldo at kinikita mo sa tatlong kategorya. 50% sa lahat ng kailangan mo sa bahay, groceries, bills at iba pang pangangailangan niyo sa buhay. 30% naman sa mga personal mong kailangan katulad ng gym, travel, shopping at 20% sa iyong ipon.

  1. Mag-ipon para sa iyong anak.

Kapag inisip mo ang future ng iyong anak, mawawala na rin ang kaba mo para sa sarili mo kapag tumanda ka na. Malaki ang matitipid mo kapag nag-invest ka sa educational plan or mutual funds para sa anak mo.

Ang mga artikulo ni Camille Jacinto

 

SHARE
Previous articleHoroscope, Marso 4, 2018
Next articlePAHULA 21: Ang mga suwerte sa kanilang buhay
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

2 COMMENTS

  1. Marita Laguerta

    Maganda Sun Life. Tapos bank book gamitin mo wag atm. Kasi pag atm nga magagastos mo lang pera mo lagi kasi withdraw ka ng withdraw.

  2. Rosalyn negranza cruz

    Ano po ba magiging kapalaran ko pag tanda ko november 23, 1965 ang kaarawan ko , matagal na po akong hiwalay sa asawa ko at mga anak ko ang Mga kasama ko , maraming salamat po .

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here