Tipid Tips Para Makasulit sa Staycation

460

Minsan, gusto lang natin mag relax at mamahinga matapos ang napaka hectic na linggo sa trabaho. Lalo na’t paparating na ang summer at tirik na tirik na naman ang araw, parang napakasarap mag out of town, mag swimming sa pool, at matulog sa hotel kung saan pagkalakas lakas ng aircon.

Pero, paano kung wala kang oras at malaking budget para sa magarbong bakasyon? Narito ang ilang paraan para magkaroon ng sulit na staycation.

1. Humanap ng lugar na malapit lang sayo.

Makakatipid ka ng malaki kung magbabakasyon ka sa malapit lang na hotel o resort. Bukod sa mas mura ang gastos sa pamasahe, hindi ka pa maha hassle sa byahe. Kung nakatira ka sa central Metro Manila, maraming magagandang bakasyunan sa Makati at Paranaque area. Kung malapit ka naman sa QC, maraming malalapit na resort sa Bulacan. Kung laking South ka naman, napakadaling mag retreat sa Cavite at Laguna. 

Pero kung ang commute ay masyadong matrabaho pa rin para sayo, maraming condominiums na pwede mong puntahan tulad ng Azure Urban Residences. Sa ganda ng pool area at man-made beach dito, parang nag resort at hotel ka na rin!

2. Humanap ng discounts bago mag-book.

Kung alam mo na kung saang area mo gusto, humanap muna ng discounts sa internet bago ka mag book. Maraming website tulad ng Metro Deal (metrodeals.com) kung saan maraming staycation offers ang naka-sale ng 50% hanggang 70% off! Ang mga hotel na kadalasan ay P7,000 ay nasa P2,000 na lang! Mayroon ding mga booking websites tulad ng Zen Rooms (zenrooms.com) kung saan makakahanap ka ng mga unit sa mamahaling residential condos sa budget price (P1,000-3,000!).

3. Gumamit ng affiliate codes.

Maraming Youtubers at Vloggers ang may affiliate codes para sa hotels at resorts. Karamihan ng mga addiliate codes ay pumapalo ng 10%-20%, malaki laking bawas na rin lalo kung nasa kamahalan ang staycation room na napili mo. Puwede kang mag search sa Google o Youtube ng mga affiliate codes at tiyak ay may mahahanap ka agad.

4. Isama ang maximum number of persons.

Kung nakapagbook ka na ng room para sa iyong staycatiion, mas gawin itong sulit sa pagsama ng maximum number of persons allowed. Kung pwede ang apat na tao sa isang kwarto, mag-aya ka ng tatlo pang kasama para puwede ninyong paghatian ang bayad. Bukod sa nakapag quality time na kayo, naka tipid ka pa! 

5. Magdala ng sariling pagkain.

Karamihan ng staycation rooms ay pumapayag na magluto sa loob ng unit, lalo na kung residential condo ang napili mong puntahan. Kung ganun, magdala na ng sariling pagkain o kaya ay mag grocery bago pumunta sa unit. Higit na mas tipid kung kayo na lang ang magluluto imbis na bibili pa kayo sa labas. Plus, iwas temptasyon na ring mapagastos ng wala sa oras. Basta’t siguarduhin itanong muna sa unit kung may cooking appliances sila at puwede kayong magluto doon para maiwasan ang additional na bayad tulad ng cleaning fee at corkage fee.

Napaka importanteng magpahinga at mag relax paminsan minsan lalo na kung ikaw ay nalulunod na sa trabaho. Ang pagbabakasyon, kahit na hindi gaanong magarbo, ay isa sa mga paraan para makapag tanggal stress at maiwasan ang burnout. Sana ay natulungan ka ng tips na iyan para makapag book ng iyong staycation!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here