TINGNAN: Ginawa ng Tricycle Driver sa Isang Lasing na Babae

0
252

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Sa isang Facebook post ni Archie Hilario, makikita ang isang babaeng lasing at kung ano ang ginawa ng isang tricycle driver sa kanya:

“Nakatulog sa sinakyang tricycle ang babeng ito dahil sa kalasingan. Ayun sa driver sumakay raw ang babae mula sa 7 eleven sa roxas avenue bandang alas 4:00 ng umaga at nagpahatid sa Kawatihan pook,pagdating sa lugar ayaw na gumising ng babae at humiga na sa tricycle. Nagtanong ang driver sa kilalang pulis doon sa Pook kung kilala nila ang babae pero hindi raw siya kilala kaya dinala nalang ng driver sa lugar nila sa Andagao. Doon siya humingi ng tulong. Hinintay nalang nila na gumising ito pero hanggang sa abutan na ng alas 6:00 ng umaga ay humihilik pa rin ito. Kailangan na raw ng driver na magsimba kasama ang pamilya at may seserbisan pa kaya tumawag na ito ng pulis para gisingin ang babae.

Nagresponde doon ang pulisya, ginising nila ito pero sagot ng babae anong pakialam ko.

Pulis:Gha bugtaw eon gamiton it driver du tricycle. (Gising na gagamitin ng driver ang tricycle)

Bihira na ang mga taong matulungin ngayon. Mabuti na lamang at hindi napahamak ang isang babae kahit natulog siya sa isang tricycle sa may kalsada.  Tinulungan siya ng isang tricycle driver kahit lasing na lasing siya. Dumulog ang tricycle driver sa pulisya para makuha ang babae sa Roxas Avenue noong Decembe 19, 2018 ng alas kwatro ng umaga. Kung masamang tao yun, mas malakas ang posibilidad na pagsamantalahan siya o di kaya ay iwan na lamang.

Babaye: Anong eabot ko! (anong pakialam ko!)”

PANAWAGAN SA MGA MANGINGINOM NGAYONG HOLIDAY SEASON:

Walang masama sa pag-inom, basta’t ilugar lamang at huwag sumobra. Mahirap kasi kapag nalalasing dahil hindi mo na alam ang ginagawa mo. Mahirap kung magsisi ka sa huli kaya mas magandang maging responsable ka na bago ka pa mapahamak.

May mga tao na hindi namamalayan na sumosobra na sila at nakakagawa ng mga bagay na pinagsisisihan din nila sa huli. Minsan din, nakakasakit din sila ng ibang tao at nakakaabala. Imbes na mangyari ito, mas maganda kung mag-iingat na at konti lang ang inumin.

Sabi nga ni MargueriteDuras, “Alcohol doesn’t console, it doesn’t fill up anyone’s psychologicalgaps, all it replaces is the lack of God. It doesn’t comfort man. On thecontrary, it encourages him in his folly, it transports him to the supremeregions where he is master of his own destiny.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here