The Three Lucky Zodiac On Valentine’s Day

0
270

Latest posts by Madame Yna (see all)

Habang papalapit ang Valentine’s day ay unti-unti nating nararamdaman ang excitement na hatid nito lalo na sa mga bago pa lang pumapag-ibig. Bagamat lahat ng zodiac ay maaambunan ng suwerte sa araw na ito ay may tatlong zodiac pa rin ang higit na mangingibabaw ngayong love season. Narito ang tatlong zodiac na sinasabing masuwerte ayon sa mga eksperto.

1.AQUARIUS- Ito ang buwan kung saan nagpapalaganap ng kanyang pag-ibig sa kapwa ang isang Aquarian. Sa season na ito ay malaki ang posibilidad na matagpuan niya ang kanyang true love. Maaari din namang ang suwerte niya ay nasa kanyang career. Maraming oportunidad ang kusang lalapit sa kanya na tila namamagnet. Ang dahilan nito ay ang pinagsamang enerhiya ng Venus at ng solar eclipse na papabor sa Aquarius.

2.PISCES- Tila pasko naman ang Valentine’s day para sa isang Pisceans. Malaki ang puso niya para sa mga nangangailangan ng tulong. Pinakaaabangan niya ang season na ito dahil para sa kanya, Valentine’s day is love day kaya dapat lang na palaganapin ang pag-ibig hindi lang para sa iyong kapareha, kundi para sa lahat. Lalo na sa mga taong kulang sa pagmamahal. Ito ay may impluwensya rin ng enerhiya mula sa Venus.

3.LEO- Masuwerte rin ang Leo sa araw na ito ng mga puso. Salamat sa Super blue moon dahil ito naman ang nakakaimpluwensya sa kanyang suwerte. Tulad ng dati ay mayroong malawak at magandang ideya ang isang Leo sa kung ano ang dapat niyang gawin para sa panahon na ito ni Valentino. Alam niya kung paano niya pasasayahin ang mga mahal niya sa buhay at alam din niya kung paano sila i-e-encourage na magspread din ng pagmamahal gaya ng kanyang ginagawa. Sa love season na ito ay magiging lapitin ng mga espesyal na tao ang isang Leo at ang mga taong ito ay magkakaroon din ng bahagi sa suwerteng tinataglay niya. ffffffff

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here