The Taurus Man

Manly and traditional. Stable and reliable. Iyan ang mga katangian ng Taurus man na masasabing angat sa iba. Alamin naman natin kung ano ang iba pang kalakasan at maging kahinaan ng isang Taurus man.

LOVE

Tender and devoted ang lalaking Taurus. Subalit kailangan niyang maging aktibo sa mga bagay na nais niyang gawin sa kabila ng kanyang pakikipagrelasyon dahil kung hindi ay maboboring din siya sa kanyang lovelife. Mas gugustuhin niyang mapag-isa at wala siyang pakialam kung sa ere ay maiwan ka niya. Kung gusto mo na hindi maturn-off sa’yo ang iyong Taurus lover ay kailangan mong masabayan ang kanyang mga hilig like sports, nature tripping at iba pa. Kapag nasabayan mo na siya ay magiging madali na para sa kanya na sabayan ka naman sa mga hilig mo. Kung bet mo na mag-stay lang sa kuwarto, manood ng t.v. at makipagkuwentuhan sa kanya ay pagbibigyan ka niya.

SEX

When it comes to sex, gusto ng Taurus man ang foreplay. Naiintindihan niya na mahalaga ang emosyon sa sex. Kung wala nito ay may tendency na hindi siya mag-enjoy sa kanyang pakikipaglove making. Gusto niya ang hinahagkan siya sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan na may kasamang paglalambing. Sa kabila nito ay hindi siya creative pagdating sa sex. Mas mabuti kung sa inyong dalawa ay ikaw ang mag-iisip kung paano mas magiging romantic ang inyong sexual relationship. Hindi kasi niya alam kung paano i-oopen ang kanyang emotion at sex world sa kanyang kapareha.

CAREER

Kahit na gaano pa kaabala ang isang Taurus man sa ibang bagay, sa lovelife man o sa sports, lagi pa rin niyang naiisip kung paano siya kikita. Kung paano hindi siya kakapusin sa kanyang pang-araw araw na budget at kung paano siya makakatulong sa pamilya. Hindi siya magsasawa sa kanyang daily routine sa bahay man o sa trabaho as long as nahahandle niya ito ng tama. Ang Taurus man bagamat nais tumuklas ng maraming bagay ay maaaring magtagal sa iisang trabaho lang. Kahit sabihin pa ng iba na siya ay boring, okay lang sa kanya basta nag-eenjoy siya sa kanyang ginagawa at hindi siya umaasa sa iba.

FRIENDSHIP

Bilang kaibigan, makakaasa ka na ang Taurus man ay iyong mapagkakatiwalaan. Hindi ka nagkamali ng pagpili sa kanya para isama mo sa circle of friends mo dahil ang isang tulad niya ay loyal at dependable. Bagamat paminsan minsan ay mararamdaman mo na ang Taurus man ay isang jealous friend, hindi naman ito makakaapekto sa inyong samahan dahil wala kang maririnig sa kanya at patuloy pa rin siyang makikipagkaibigan sa’yo kahit pa palitan mo siya bilang bestfriend mo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here