THE SCORPIO MAN

828

LOVE

Pagdating sa pagpili ng mamahalin, gustong gusto ng Scorpio man ang babaeng makapangyarihan, matalino at maraming kayang gawin sa buhay. Yung mabubuhay kahit walang tulong ng iba. Naiimpress siya sa ganyang uri ng babae. Kung ikaw ang babaeng ito, wala kang dapat ipag-alala dahil wala siyang balak na baguhin ka.Hahayaan ka niyang mag-explore sa sarili mong mundo hangga’t gusto mo basta’t nasa tabi mo lang siya para suportahan ka. Sa kabilang banda ay kailangan din niya ang suporta mo dahil kung ikaw ang reyna ng iyong kaharian ay siya naman ang hari ng kanyang kaharian. Sa kabuuan ay masasabi rin na isa siyang classic man in love. Handa siyang sumunod sa agos ng inyong pag-ibig ayon sa dikta ng inyong mga puso.

SEX

Suwerte ang babae na magkakaroon ng chance na makaniig ang isang lalaking Scorpio. Ito ay sa kadahilanan marami siyang alam pagdating sa sex. Alam niya kung saang parte ng iyong katawan ka kikilitiin. Bukod dito ay malawak din ang kanyang imahinasyon sa kama. Hindi siya nagbibigay ng limitasyon sa kanyang kapareha. Sky is the limit ika nga. Sisiguruhin niya na makukuha mo ang pleasures na gusto mo. He will impress any woman. Pero kung gusto mo na ikaw ang magdodomina sa inyong sex ay mas mabuti kung hahanap ka na lang ng ibang kapareha.

CAREER

Pagdating sa kanyang career ay masyadong malalim ang isang Scorpio man. Para sa kanya ’perfection is power’. Dahil matalino siya kaya naman gustong gusto rin niya na nakakasalamuha siya ng mga matatalinong tao. Ambisyoso ang isang Scorpio man at hindi siya maaaring makuntento sa kung ano lang ang pwede. Gagawin niya ang lahat para maabot ang gusto niyang maabot. Kaya naman bagay sa kanya ang career na tulad ng chemist, psychiatrist, detective, pharmacist at researcher.

FRIENDSHIP

Ang Scorpio man ay hindi agad nagtitiwala. Kung gusto mo na makuha ang kanyang tiwala ay kailangan mo itong bigyan ng effort. Kailangan na may magawa kang bagay na magiging dahilan para pagkatiwalaan ka niya. Subalit sa oras naman na mapagtagumpayan mo ito ay umasa ka na meron ka ng isang seryosong kaibigan. Mas gusto ng Scorpio man ang maliit na bilang subalit mapagkakatiwalaan at pangmatagalang mga kaibigan kaysa sa malaking bilang ng mga kaibigang hindi mo naman masyadong kilala. fffffffffffff

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here