The Sagittarius Woman

November 22- December 21. Ang babaeng Sagittarius ay isang matapat na babae. Curious and energetic. Ito ang mga katangiang nagtutulak sa kanya upang maglakbay. Gustong gusto ng isang Sagittarius woman ang pagpunta sa iba’t-ibang lugar dahil gusto niyang tumuklas ng maraming bagay. Alamin natin kung gaano katapat ang isang Sagittarius woman sa kanyang love, sex, career at friendship.

OVE

Ang Sagittarius woman ay madaling ma-fall. Hindi ka man niya gaanong kilala kung magkakaroon kayo ng magandang communications at deep conversation ay malaki ang posibilidad na ma-in love siya sa’yo. Gusto kasi niya ang mga taong may sense kausap. Kapag nagustuhan niya ang prinsipyo mo at nagkasundo kayo sa likes and dislikes, masuwerte ka na dahil naghahanap siya ng perfect partner na magbibigay kahulugan sa buhay niya at maaaring ikaw na ‘yon. Dahil sa pagiging matapat ng isang Sagittarius woman kaya hindi niya nagagawang itago ang kanyang damdamin at kung gawin man niya ay mabubuking din siya agad.

SEX

Pagdating sa kama ay mapaglaro ang isang Sagittarius woman. Para siyang isang bata na naniniwala sa mahika. Sa kabila ng kanyang shyness at pagiging clumsy ay gusto pa rin niyang mag-enjoy ang kapareha kaya dinadaan niya ito sa kanyang childish way. Hindi niya kailangan ang kapareha sa kama na sasabihan siyang kailangan niyang mag grow up. Ang kailangan niya ay someone na makikisakay sa trip niya at maiintindihan ang kanyang emosyon.

CAREER

Palaging positibo at may magandang intensyon sa kapwa tao. Iyan ang Sagittarius woman.  Dahil gusto niya ang paglalakbay kaya ang nais niyang career ay yung nakakapunta siya sa iba’t-ibang lugar. Gusto niya ng thrill and adventure sa kanyang trabaho. Hindi mo siya basta-basta mapapasuko kung sakali man na siya ay mabigo. Para siyang isang makulit na batang ipagpipilitan ang gusto makamit lang niya ang nais niyang makamit.

FRIENDSHIP

Pagdating sa pakikipagkaibigan ang isang Sagittarius woman ay super loyal. Pero hindi rin siya magdadalawang isip na sabihin sa’yo kapag nakagawa ka ng mali sa kanya man o sa ibang tao. Hindi siya ang tipo ng kaibigan na kukunsintihin ka sa’yong mga kalokohan subalit handa ka namang payuhan anumang oras mo kailangan. Madaling regaluhan ang kaibigang tulad niya, hindi mahalaga sa kanya kung mahal man o hindi, malaki man o maliit, mas binibigyan niya ng importansya ang thoughts na naisip mo siyang regaluhan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here