THE PROMDIS

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Ang bandang “The Promdis (indie artist)— mula sa Probinsya ng Nueva Vizcaya ay isang grunge band na kinabibilangan ng apat na kalalakihang nagtataglay ng mga kapogian at kahusayang naiiba sa lahat. Ang mga ito ay sina Alan Ribeiro sa bass, Marlon de Jesus sa kusina, este, sa gitara, Aykroyd Diaz sa drums, at si Pepito Roman, sa kalawakan lumilipad, este, sa mikropono at gitara.

Sila’y nag-umpisa noong Hulyo 2017. Ang unang pagsampa nila sa entablado ay noong August 9, 2017 sa Cabanatuan City, kung saan naging kalahok sila sa isang nationwide band competition at sa kabutihang palad ay nalaglag agad sa qualifying round palang. Mula noon, napag usapan na nila sa banda na hindi na sila ulit sasali sa mga kompetisyon datapwat sila’y magsusulat nalang hanggang makabuo ng isang album. Hindi nagtagal, nai-ere ang ilan sa kanilang mga awitin sa FIA Radio.

Doon sila nakilala ng kanilang humigit-kumulang 63 na fans all over the globe, kung saan 12 sa kanila ay umorder lang ng kanilang CD sa facebook pero hindi naman bumili talaga. Hindi rin nagtagal ay pumirma na sila sa FIA Music bilang kanilang Digital Label. Hanggang sumapit ang May 18, 2018 sa Checkpoint Rock Bar sa Parañaque— sa tulong ni Gil Sabado ng FIA Music,ay nai-launch ang kanilang 10-track debut album na pinamagatang “Vana’s Playlist”.

Siyempre hindi dun nagtatapos ang kanilang kwento. Nasaksak pa si Alan, pero bago yun ay nakagawa pa sila ng tatlong music videos na maaaring mapanood sa facebook page nila at meron din sa Youtube. Sa Youjizz naman ay wala silang video doon (joke).

Don’t worry nga pala kay Alan. Kamay lang ang nasaksak sa kanya. Pancreas daw sana ang puntirya ng mga walangyang lasing na ‘yun pero buti nalang at magaling siya sa Algebra kaya nagawa niyang makaligtas pa sa kamatayan. Ang banda ay kasalukuyang abala sa kanilang ikalawang album.

At siya nga pala, na-featured din sila sa sep-oct issue ng Pulp Magazine nitong nakaraang 2018. Sa mga followers ng bandang ito, maaari niyong i-download ang kanilang album na Vana’s Playlist sa Spotify, iTunes, at Deezer. Pwede niyo rin silang puntahan sa kanilang mga bahay kung kayo ay nalulumbay. At yan po ang mga nakalap naming kabulastugan mula sa nag-iisang bandang walang tugtugan, ang bandang ‘The Promdis’.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here