The Pisces Woman

0
607

Latest posts by Madame Yna (see all)

February 18- March 20. Ang Pisces woman ay hindi makasarili. Palagi siyang handang tumulong sa sinuman ang nangangailangan at hindi siya naghihintay ng anumang kapalit. Kilalanin pa nating mabuti ang isang Pisces woman pagdating sa kanyang love, sex, career at friendship.

LOVE

Ang Pisces woman ay may napakagandang attitude na maipagmamalaki. Kind hearted, caring, thoughtful at loving. Kaya naman napaksuwerte ng taong maiinlove sa kanya. Kapag nagmahal ang isang Pisces woman ay umasa ka na ikaw lang ang mamahalin niya at sa’yo lang ang puso niya. Maraming oras ang ilalaan niya sa’yo masiguro lang na hindi siya magkukulang. Kung pareho kayong may pangangailangan ay uunahin niya ang pangangailangan mo. Dapat mo ring ibalik ang pagmamahal na ibinibigay niya kahit na hindi siya naghihintay ng kapalit upang mas lalo ka niyang mahalin.

SEX

Pagdating sa kama ay may pagka misteryoso ang Pisces woman. Palagi siyang maganda sa paningin ng kanyang kapareha. May kakaiba siyang appeal na hindi kayang tanggihan. Hindi niya kailangan mag-effort para lang maakit ang kanyang mahal. Para siyang may magnet na kusa itong dumidikit sa kanya. Kapag napansin niyang hindi ka nasisiyahan sa kanyang paraan sa pakikipagsex, aalamin niya kung ano ang bumabagabag sa’yo at gagawa siya ng paraan para maibigay sa’yo ang satisfaction.

CAREER

Para sa isang Pisces woman, anumang career ang piliin niya, sinisiguro niya na mas importante  ang pagiging komportable niya rito kaysa sa perang kikitain niya. Mahilig din siya sa mga extra jobs at humanitarian activities. Hindi siya yung tipo ng empleyado na madaling sumuko. Palagi siyang sumusubok ng mga bagay na sa tingin niya ay kaya niyang gawin at makakatulong para ma-improve pa ang kanyang karera.

FRIENDSHIP

Ang Pisces woman ay isang kaibigan na madaling lapitan. Tungkol man ito sa pera  o balikat na masasandalan, siya ay iyong maaasahan. Hindi mo gugustuhin na malayo sa kanya bilang kaibigan dahil isa siyang comforter. Mas gusto ng Pisces woman ang isang simpleng party kasama ang mga piling kaibigan. Yung tunay na malalapit sa kanya kaysa sa isang malakihan at bonggang party. Mas nag-eenjoy siya dito.

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here