THE PISCES MAN

0
262

Latest posts by Madame Yna (see all)

LOVE

Creative and romantic, subalit sensitibo pagdating sa pag-ibig ang isang lalaking Pisces. Kapag siya ay nagmahal ng isang babae at nasiguro niyang ito ang kanyang true love, ilalagay nya ito sa pedestal at ituturing na parang isang reyna. Bilang iyong kapareha, gustong-gusto niya ang binibigyan mo siya ng atensyon. Gusto rin niya kung siya ay bibigyan mo ng kalayaan na gawin ang kanyang nais gawin lalo na kung ito ay may kinalaman sa kanyang pagiging artistic. Dapat mo ring ingatan ang kanyang damdamin dahil siya ay madaling masaktan. Kung mauunawaan mo ang kanyang positive at negative side ay makakasiguro kayo pareho na magtatagal ang inyong relasyon.

SEX

Para sa isang Pisces man, ang pakikipagtalik ay hindi lang basta pakikipagtalik. Ito ay isang magandang regalo mula sa Diyos. Sa tuwing siya ay makikipagsex, ito ay pinagbubuhusan niya ng emosyon, passion, romance at syempre love. Hindi lang ang kanyang katawan ang ibinibigay niya sa kanyang kapareha kundi binubuksan din niya ang puso at kaluluwa niya para dito. Para kasi sa kanya, ang sex ay isang ultimate expression of love. Kaya naman masuwerte ang babae na makakapareha niya sa kama dahil hindi lang pleasure ng katawan ang hanap ng Pisces man kundi feeling of closeness and fulfillment.

CAREER

Pagdating naman sa pagpili ng career ay puso rin ang ginagamit ng isang Pisces man. Kind-hearted at considerate. Sa career na pipiliin niya ay importante na nagagamit niya ang kanyang malawak na imahinasyon, vision at empathy. Dahil sa mga katangiang ito kaya naman nababagay sa kanya ang mga trabaho gaya ng writer, singer, actor, psychologist at veterinarian. Gusto niya na meron siyang interaction sa mga tao.

FRIENDSHIP

Dahil mahilig ang Pisces man sa pakikipag-ugnayan sa mga tao, kaya naman hindi na nakakapagtaka kung malaki ang kanyang circle of friends.Magaan lang siya kasama. Masuwerte ka kung kaibigan mo siya dahil uunahin niya ang kapakanan mo bago ang sarili niya. Handa rin siyang makisimpatya sa’yo sa oras na kakailanganin mo ito. Isa siyang tunay at loyal na kaibigan. Kaya naman kung minsan ay naaabuso na siya pero hindi niya iyon alintana. dahil uunah

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here