The Most Important Thing in a Relationship

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Sa tingin mo ba ay love o pag-ibig ang pinakaimportante sa isang relasyon? Maaari mong masabing OO dahil sa napakalakas na damdaming ito na umaalipin sa’yo at sa taong mahal mo. Hindi naman natin maikakaila na ang pag-ibig ay napakahalagang sangkap para sa isang relasyon, dahil kung wala nito ay paano nga ba mabubuo ang relasyon sa pagitan ng dalawang tao? Pero ito nga ba ang pinakamahalagang sangkap? May mga pag-ibig na dumarating sa maling oras at panahon. May mga pagkakataon na kailangan itong ilihim at hindi dapat ipagsigawan. Ito ang tinatawag na lihim na pag-ibig o pagmamahal sa maling tao. Kung gano’n, ano ang pinakaimportanteng bagay sa isang relasyon?

Hindi sapat na nagmamahal ka lang at minamahal ka. Ang pag-ibig kailangan ay may kakambal na values o good moral. Dapat na naiintindihan mo rin kung ano ang tama at mali. Kung puso mo ang lagi mong susundin ay hindi ka makakasiguro na dadalhin ka nito sa tamang direksyon ng buhay. Dahil ang ating puso ay tumitibok para magmahal subalit ito ay kayang magmahal ng walang kondisyon , kung walang kondisyon at limitasyon ang kakayahan ng puso na magmahal sa isang tao, malaki ang posibilidad na yakapin din nito ang mga bagay na hindi na dapat yakapin tulad ng kamalian. Halimbawa ay natutunan mong mahalin ang isang tao na may pananagutan na sa buhay, masisisi mo ba ang puso mo kung siya ang pinili nito? Kung papasok ka sa ganitong relasyon, may halaga pa nga ba ang pag-ibig kung may mga tao namang nasasaktan?

Kung ikaw ay magmamahal habang pinaninindigan mo ang iyong moral values at hindi mo iyon nakakalimutan kahit saglit, isang napakagandang sangkap non para sa relasyong nais mong pasukin. Marami kang pagsubok na maaaring ma-encounter subalit kung bitbit mo ang values sa iyong pagkatao, ituturo nito sa’yo ang tamang direksyon na dapat mong tahakin. At kung nasa mali kang relasyon ay hindi ka nito hahayaan na malugmok na lang, sa halip ay bibigyan ka nito ng daan palabas para mahanap mo ang tamang tao at tamang relasyon para sa’yo. Samakatuwid, ang magandang moral na ito ang masasabi nating pinakamahalagang bagay sa isang relasyon dahil kung wala ito ay maaari tayong mailigaw ng bulag nating pag-ibig.

More Relationships

More Heritage

More Filipino Teens

More I AM FILIPINO

More TIPS

More K-Pop

More Beauty and Health

More Vegan

SHARE
Previous articleChinese Horoscope Nobyembre 15
Next articleANG SIKRETO NG PUNSOY ni Maestro Honorio Ong Isyu # 16
Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here