The Libra Woman

566

Latest posts by Madame Yna (see all)

September 23-October 22. Loyal, creative at may pleasing personality. Iyan ang Libra woman. Meron siyang reputation na “manic pixie dream girl”. Tuklasin natin kung paano niya ito ina-apply sa kanyang love, sex, career at friendship.

LOVE

Kapag na-inlove ang isang Libra, hindi niya agad ito inaamin sa sarili niya. Kung magagawa lang niyang kontrolin ang kanyang special feelings para sa isang tao ay gagawin niya lalo na kung ito ay hindi pasado sa kanyang pamantayan pagdating sa love. Para sa Libra, ang mga lalaki ay mahihina sa larangan ng pag-ibig. Mas mataas ang tingin niya sa kapwa niya babae kaysa lalaki. Kaya kung makukuha mo ang atensyon niya ay masuwerte ka na. Once na mapaibig mo siya ay asahan mo na ang loyalty at faithfulness mula sa kanya. Kung gaano kababaw ang tingin niya sa pag-ibig sa simula ay ganoon naman ito kalalim sa oras na pasukin na niya ito.

SEX

Nahihirapan ang Libra woman sa kanyang kapareha na hindi kayang irespeto ang kakayahan niya sa sex. Kaya mapipilitan siyang gawin ang mga bagay na hindi pa siya handang gawin. Subalit kung makakatagpo siya ng sex partner na makakaintindi sa kanya, magkakaroon siya ng pagkakataon na mag-eksperimento at gawin ang kung anuman ang pumasok sa isip niya. Kung ikaw ang kapartner niya at bibigyan mo siya ng laya na mai-open sa’yo ang mga gusto niya sa sex ay magkakasundo kayo at magiging komportable sya sa’yo.

CAREER

Mahirap para sa babaeng Libra ang magkontrol sa kanyang emosyon. Nakikinig siya sa opinyon ng ibang tao tungkol sa kanyang career pero sa huli ay sarili pa rin niya ang susundin niya. Gusto niya ang career kung saan ay nailalabas niya ang kanyang pagiging creative. May katigasan ang kanyang ulo lalo na kung alam niya na mas mabuti ang idea niya kaysa sa iba.

FRIENDSHIP

Mabuting kaibigan ang isang Libra woman. Gustong gusto niya ang pakikipagsosyalan. Yung napapalibutan siya ng maraming kaibigan. Kung reregaluhan mo siya sa kanyang kaarawan ay maaapreciate niya ang mga regalong tulad ng alahas, pabango at bag. Kahit saan siya magpunta ay maraming gustong makipagkaibigan sa kanya dahil ang tingin nila sa kanya ay isang paruparo na malaya at masaya. Kahit saan mo siya ayain ay sasamahan ka niya as long as alam niya na mag-eenjoy kayong dalawa o kahit ilan pa kayo sa barkada.

 

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here