The Leo Woman

0
733

Latest posts by Madame Yna (see all)

 July 22- August 23. Ang Leo woman ay itinuturing na reyna ang kanyang sarili. Gustong gusto niya na siya ay tinatrato na parang isang tunay na reyna. Masaya siya sa isipin na siya ay makapangyarihan. Alamin natin kung anong kapangyarihan ang taglay niya pagdating sa love, sex, career at friendship.

LOVE

Dahil itinuturin niya ang kanyang sarili na isang reyna kaya naman ang kanyang love one ay ituturing naman niya bilang kanyang hari.Very open ang Leo sa kanyang feelings at gusto niya na agad itong natutugunan. Gusto rin niya na ang kanyang the one ay very confident sa kanyang sarili at may lakas ng loob na ipahayag ang damdamin para sa kanya. Kung ikaw ang kanyang napiling hari ng puso niya, hindi ito nangangahulugan na ikaw ang susundin niya, mas na siya ang dapat mong sundin. Sa kabila nito ang Leo woman ay very romantic. Madali  siyang masaktan subalit madali ring magpatawad dahil mas nangingibabaw sa kanya ang pagmamahal.

SEX

Gusto ng Leo woman ang mga sexy lingerie. Kung makikipagsex ka sa isang Leo woman, kailangan na alam mo kung paano mo siya paiinitin. Ang marahan na pagmasahe sa ilang bahagi ng kanyang katawan tulad ng batok at likod ay nakakaakit sa kanya. Pero huwag kang mag-alala dahil sa oras na maramdaman na niya ang init ay wala ka ng gagawin dahil siya na mismo ang magbabalik sa’yo nito. Adventurous ang isang Leo woman pagdating sa sex.

CAREER

Very aggressive ang isang Leo woman when it comes to her career. Sa bahay pa lang ay mapapansin mo na ito kung gaano siya kabusisi sa mga bagay bagay. Gusto niya ang lahat ay nasa ayos, organize at may sistema. Mahilig siyang magdecorate. Ang ugali niyang ito sa loob ng bahay ay dala niya hanggang sa kanyang trabaho. Kaya naman asset siyang maituturing sa anumang company na papasukin niya.

FRIENDSHIP

No dull moment kapag kasama mo sa isang gimikan ang isang Leo woman. She has a lot to say and do para hindi ka mabored. Huwag mo lang siyang papakitaan ng hindi maganda dahil hindi ka niya tatantanan hangga’t hindi niya naipararating sa’yo ang hindi magandang attitude mo. Very loving siya as a friend kaya dapat mo itong i-treasure.

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here