THE LEO MAN

690

LOVE

Ang isang lalaking Leo ay madaling ma-inlove. Sa tuwing siya ay iibig, palagi niyang iniisip na ito na ang huli. Malalim kasi siyang magmahal. Once na siya ay umibig, handa siyang gawin lahat para sa kanyang mahal. Isa siyang romantic lover. Kaya naman kung ikaw ang pipiliin niya ay asahan mo na kikiligin ka sa bawat okasyon na ise-celebrate ninyong dalawa lalo na kung ito ay ang inyong anniversary, Valentines at Christmas. Kung siya naman ay nanliligaw pa lang sa’yo, siya yung tipo ng lalaki na gugustuhin mo agad na sagutin dahil sa kanyang irresistible charm.

SEX

Pagdating sa sex, siya naman yung tipo na gusto ang tinutukso dahil ugali niya rin ito, ang manukso. Yung tipong iseseduce ka sa kama. Gagawa ng mga bagay na bago sa’yo para akitin ka. Para sa kanya kung walang pleasure ay wala ring buhay ang sex sa kama. Playful in bed siya kaya kailangan na marunong ka ring makipaglaro dahil kung hindi ay tiyak na mabobored siya.

CAREER

Pagdating sa kanyang career, ang Leo man ay madalas magbigay ng kanyang opinion lalo na sa mga problemang kinakaharap ng kanyang grupo. Dahil dito siya ay napagkakamalang arogante. Subalit sa katotohanan siya ay may pusong may malawak na pang-unawa at nakakaintindi sa mga bagay na hindi agad maintindihan ng nakakarami. Ang mga career na bagay sa kanya ay actor, spokesperson, theatrical agent at reality-show personality.

FRIENDSHIP

Bagamat nangangailangan ng panahon bago makapagdevelop ng friendship ang isang Leo man ay madali pa rin niyang makuha ang respeto mula sa kanyang mga kaibigan. Once naman na ma-established na niya ang pakikipagkaibigan sa isang tao ay asahan na ang kanyang loyalty dito. Dahil siya ay loyal na kaibigan kaya gustong gusto rin niya na siya ay napapalibutan din ng mga kaibigang tapat sa kanya. Sa kabila ng kanyang pagiging sociable ay pinananatili pa rin niya ang kanyang distansya sa mga kaibigang hindi pa niya gaanong kilala dahil ang kanyang loyalty ay naka-reserved sa mga close friends na niya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here