The Good Son REVIEW: Sino ba talaga si Justine?

1802

NAKIKITA naman natin si Justine Calles (Alexa Ilacad) ngunit parang hindi ko pa rin matiyak kung totoo nga ba siyang tao o nagiging katotohanan lamang siya sa paningin ni Calvin (Nash Aguas). Tanging si Calvin lang kasi ang nakakakita sa kanya. Alright, nakita na raw ni Olivia (Eula Valdez) si Justine nang ngunit bakit ang isinagot niOlivia kay Enzo (Jerome Ponce) nang tanungin siya nito kung saan at kailan niya nakilala si Juntine, ang sagot niya ay ‘I don’t remember’. Gayung dapat ay masasabi niya agad sa kanyang panganay na dinala ito ni Justine sa kanilang bahay.  

Saka, ano bang dahilan at ayaw na ayaw ni Olivia kay Justine? Hindi nga ba at maganda, mabait at magalang naman si Justine ng sila ay ‘magkaharap’. Kung ganoon, bakit mainit ang dugo ni Olivia kay Justine gayung ito lamang ang kaibigan ni Calvin? Magagaling ang mga artista ng The Good Son kaya hindi mo maiiwasan mapaisip sa bawat ekspresyon na kanilang ipinapakita at diyalogo na kanilang binibigkas. Para kasing sa pamamagitan noon ay mayroon silang ibig ipahiwatig.  

Mag-schoolmate sina Calvin at Justine pero bakit sa tuwing mayroong lumalapit kay Calvin ay umaalis itong si Justine? Kung isang modelo nga ang ‘kaibigan’ ni Calvin, hindi ba dapat ay pinagkakaguluhan siya o kaya naman ay makikita ring may kaibigan? Para naman kasing napakaimposible naman ‘yung palusot ni Justine na mahiyain siya pero nakuha niyang maging modelo. Wala naman kasing modelo na mahiyain, hindi ba? Ang dapat nga ay puno siya ng self confidence.  

Saka, kilala natin si Olivia, kapag may hindi siya gustong tao ay pupuntahan niya at kukomprontahin pero, bakit hindi iyon ginagawa ni Olivia kay Justine? Ni hindi nga siya nag-effort na alamin ang pagkatao ng kaibigan ng anak niya gayung maaari naman imbestigahan niya ito. Basta ang ibig lang niya ay palayuin si Calvin at Justine. Saka, bakit sinasabi ni Olivia kay Calvin na ‘nandito kami ng kuya mo’? Ibig niyang sabihin ay hindi kailangan ni Calvin si Justine.  

Saka, hindi ba ninyo napansin, parang ang pangalang Justine ay panlalaki. Well, kunsabagay, pwede rin namang maging pangalang pambabae ito. Gayunpaman, parang may kakaiba pa rin sa pangalan pa lang na ‘Justine’. Saka kung talagang modelo siya’y bakit wala siyang back story. Para si Calvin lang talaga ang nakakaalam ng kanyang buong pagkatao.  

Para mas makilala pa ninyo si Justine, kailangan din ninyong manood ng The Good Son. Baka kasi sa pamamagitan noon ay matukoy mo na rin kung sino nga ba ang pumatay kay Victor Buenavidez.  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here