The Good Son Review: Si Oliver ang susi ng tuluyang paglaya ni Joseph

0
165

Gaano man kalaki ang galit o tampo ni Oliver (McCoy de Leon) kay Joseph(Joshua Garcia), alam pa rin naman niya na mali ang maghiganti. Kaya, ibinahagi niya iyon kay Sabina (Elisse Joson) at pinayuhan siyang sabihin na ang nalalaman niya dahil iyon ang makakatulong kay Joseph na malinis ang kanyang pangalan.

Kahit na medyo na-bored na ako sa episode nitong nagdaang araw, nandoon pa rin naman ang interes ko lalo na’t napagtatanto ko na ang tunay na may kagagawan sa aking palagay ay sina Dado at Olivia. Well, talaga namang sila ang mapaghihinalaan ng pagkamatay ni Victor (Albert Martinez) dahil talaga namang sila ang kontrabida.

Ngunit, kung talagang si Dado (Jeric Raval) lang ang pumatay kay Victor parang walang kuwenta ang titulong The Good Son lalo’t mayroon pang posas sa logo nito. Sa titulo pa lang kasing iyon ay mapapaisip ka ng hindi lang simpleng mabait ang ‘son’ na tinutukoy dito dahil parang ang ibig sabihin noon ay gumawa ng mali ang anak para sa kanyang mga magulang. Kaya, kung hindi si Calvin (Nash Aguas) ang may dahilan ng kamatayan ni Victor ay parang hindi nagawang panindigan ang titulo ng palabas. Parang nilito lamang tayo ng writer, director at mga artista.

Kunsabagay, magagaling naman talagang umarte ang mga tauhan sa seryeng ito at napakagaling naman talaga ng pagkakagawa. Kaya naman, nakakasakit din ng ulo na pakaisipin kung sino nga ba talaga ang may kagagawan ng lahat. Nang nakaraang linggo nga, naniniwala na talaga akong si Calvin ang may kagagawan.

Kaya nga lang ngayon, itinutok naman kay Obet ang atensyon. Ipinapakita kasi ang galit niya kay Joseph at gusto niyang gumanti sa nakababata niyang kapatid. Kaya nga, hindi niya agad sinabi agad kung ano ang nalalaman niya. Mabuti na nga lamang at kahit may negatibong feelings si Obet kay Joseph ay mayroon pa ring Sabina na handang itama ang kanyang pagkakamali.

Kaya naman, nakita ko kung gaanong sakit ang pinaglabanan ni Obet ng ipaalala sa kanya ni Sabina na siya ang kuya ni Joseph kaya dapat lamang na siya ang magtanggol dito. At alam ko ‘yon ang na-realize ni Obet. Sana lang talaga ay magpunta na si Obet sa Police Station para sabihin ang kanyang nalalaman.

Hindi kasi maaaring matutok lang sa walang kasalanan ang kaso. Ngunit siyempre, hindi naman iyon hahayaan ng bumubuo ng The Good Son lalo na ng writer at director dahil sa simula pa lang naman ay mabilis na ang pacing ng istorya kaya kailangan ay mabigo ang plano ni Olivia. Mangyayari lang naman iyon kapag nalaman ng pumasok si Dado sa bahay ng mga Reyes noong gabing nalason si Olivia.

O, huwag mong kaliligtaang subaybayan ang teleseryeng The Good Son.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here