The Good Son Review March 26 to 28 : Ang nalalapit na Pagwawakas

The Good Son on PhilippineOne.com

Huwebes Santo ngayon at Biyernes Santo naman bukas kaya walang The Good Son. Inaabangan ko lagi ang programang ito Lunes hanggang Biyernes kaya mabigat sa pakiramdam na wala ngayon ang paborito kong palabas. Gayunpaman, hindi pa rin nawawala sa aking isipan ang mga katanungang, sino nga ba ang pumatay kay Victor (Albert Martinez)?

Mula ng umere ang programang The Good Son, ito na ang katanungan pero hindi pa rin nasasagot. Hindi sapat iyong si Dado (Jeric Raval) ay naging mamamatay tao para kay Olivia (Eula Valdez) dahil wala naman talagang pag-amin sa kanyang panig. Basta ang nais lamang niya ay makasama niya ang kanyang mag-ina kaya kahit na sinasabing tatlong linggo na lamang ang The Good Son, nahihirapan pa rin tayong tukuyin na si Dado nga ang killer ni Victor.

Kahit naman kasi naging masama na siyang tao, hindi pa rin ako nakakatiyak kung sapat na bang dahilan iyon para masabi natin na siya ang pumatay kay Victor. Habang lumalakad kasi ang panahon ay nagagawa na nating makilala ng husto ang bawat karakter. Kung minsan kasi ay hindi sapat iyong nakikita lang natin na mabait siya. May mga pagkakataon kasing kaya lamang natin siya hinahangaan dahil ang kabaitan lamang niya ang ating nakikita.

Kung nais mong makilala talaga ang isang tao, kailangan mong pasukin ang laman ng puso’t isipan niya. Hindi mo iyon magagawa kung nakikita mo lang ang matatamis niyang ngiti at mga halakhak. Makikilala mo ang isang tao kapag siya ay dumadaan na sa mga pagsubok. Iyon bang tipong mabigat na mabigat na problema, kung saan masusubok ng husto ang kanyang katatagan. Tulad na lamang ng mga karakter ng mga anak sa The Good Son.

Dahil nga sa The Good Son ang titulo ng programa na ito, naniniwala akong isa sa mga anak ang may kagagawan kaya namatay si Victor Buenavidez. Kaya, ang ibig ko ngayon ay himay-himayin ang kanilang pagkatao. At tiyak ko, ibig mo rin silang makilala ng husto.

Enzo Buenavidez (Jerome Ponce) – ang panganay na anak ni Victor kay Olivia o mas tamang sabihing ang nag-iisang anak ni Victor kay Olivia. Nasa kanyang balikat ngayon ang responsibilidad sa kanyang ina, lola at kapatid.

Calvin Buenavidez (Nash Aguas)- ang anak ni Olivia kay Dado. Matindi ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Nakita niya kasi kung paanong barilin ang kanyang ama. Hindi man si Dado ang nakagisnan niyang ama pero nang makasama niya ito sa Isla ay nagawa rin niya itong tanggapin at mahalin. Kaya, matindi ang galit na nararamdaman niya sa pagkawala ng kanyang ama.

Joseph Reyes Buenavidez (Joshua Garcia) – Siya ang mabait na anak ni Racquel (Mylene Dizon) kay Victor. Ibig niyang matuklasan kung sino nga ba ang pumatay sa kanyang ama ngunit habang ginagawa niya ito ay marami rin siyang lihim na natutuklasan. At sa pagkamatay ng kanyang ina, nagagalit din siya sa kanyang sarili. Sinisisi niya ang sarili sa pagkamatay ng kanyang ina dahil hindi niya ito nagawang iligtas.

Obet Reyes Moreno (McCoy De Leon) – Siya ang nakatatandang kapatid ni Joseph sa ina. Nagagalit siya kay Joseph dahil sinisisi niya ang kapatid sa pagkamatay ng kanilang ina. Dahil sa galit na iyon ay bumili siya ng baril at nag-aral bumaril, habang ginagawa niya iyon, naiisip niya sina Olivia at Joseph. Sa palagay niya ang dalawang tao na ito ang dahilan kaya nasira ang kanyang buhay. Idagdag pa ritong, ang guwapo niyang mukha ay nasira at si Joseph ang kanyang sinisisi.  

Ngayon, may ideya ka na nga ba kung sino ang talagang killer ni Victor Buenavidez?

More The Good Son Reviews

More TV Reviews

Joshua Garcia Bio

Eula Valdez Bio

Mylene Dizon Bio

Nash Aguas Bio

Jeric Raval Bio

Jerome Ponce Bio

More Bios

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here