The Good Son mga character

The Good Son, mga karakter

Noong September 25, 2017 ay umere ang The Good Son. Ito ay pinagbibidahan nina Joshua Garcia, Jerome Ponce, McCoy De Leon at Nash Aguas kasama sina Eula Valdez, Mylene Dizon at John Estrada. Ang istorya nila ay nagsimula sa pagkamatay  ni Victor Buenavidez na ginampanan ni Albert Martinez. Pinatay si Victor kaya kailangan ay malaman nila kung sino nga ba talaga ang naglason dito at ang sapantaha ng mga pulis at imbestigador, ang kriminal ay nasa pamilyang Reyes at Buenavidez lamang.

Maaari naman talaga na may kinalaman maski ang pamilya ni Victor dahil sila ang kasama ni Victor noong kaarawan niya o nang gabing siya ay mamatay. Isang lason kasi ang inilagay sa iniinom nito.

Sa ilang buwan na ipinalalabas ang The Good Son, hanggang ngayon ay wala pang malinaw na sagot kung sino nga ba talaga ang kriminal. Napakahirap naman kasing mahagilap ang katotohanan kung ganyang lahat na lamang ng karakter ay mayroong dahilan para patayin si Victor Buenavidez. Pero, sa ngayon ay parang mas makabubuti kung ikaw ang magdedesisyon kung sino nga ba ang dahilan ng paghihirap ng dalawang pamilya. Ang Reyes at ang mga Buenavidez. 

CAST: 

*Main Cast*

 Joshua Garcia bilang  si  Joseph Reyes Buenavidez, ang illegitimate son ni Victor Buenavidez pero desidido naman siya na malaman kung sino nga ba ang pumatay sa kanyang ama. Sa pag-iimbestiga lang niya ay hindi niya akalain na marami palang sikretong mabubunyag na maaaring maging kapahamakan ng mga mahal niya sa buhay.  

Jerome Ponce bilang si Enzo Buenavidez, ang legitimate son ni Victor kay Olivia. Todo-todo ang proteksyon na ibinibigay niya sa kanyang ina na si Olivia at nakababatang kapatid na si Calvin.  

McCoy De Leon  bilang naman si Obet,  half brother ni Joseph. Bagamat siya ang nakatatanda, may pagkakataon na nararamdaman niyang binabalewala na siya ng kanyang pamilya dahil feeling niya kaya sila nagkakagulo ngayon ay dahil kay Joseph, dahil nais pa nitong malaman ang katotohanan. Sa madaling salita, malaki ang inggit niya kay Joseph.   

Eula Valdez bilang si Olivia Buenavidez, ang legal wife ni Victor. Bagamat kontrabida ang dating niya, mapagmahal naman siyang ina sa kanyang mga anak.

Mylene Dizon bilang si Racquel Reyes, ang ina ni Joseph at ang ‘other woman’ ni Victor na labis siyang minahal. Maging ang nakababatang kapatid ni Victor ay kanya ring nakarelasyon.

John Estrada bilang si Anthony Buenavidez, ang nag-iisang kapatid ni Victor. Simula pa lamang ng istorya ay makikita na ang kabutihan sa kanyang puso kaya naman masasabing  pangbida ang kanyang peg ngunit nitong huli na ay natuklasan na ang kanyang mga kasinungalingan kaya marami ang napaisip na baka nga siya talaga ang pumatay kay Victor. Ngunit, naputol ang paghihinala sa kanya ng matagpuan siyang patay.

Jeric Raval bilang si Dado. Siya ang kababata at driver na labis na nagmamahal kay Olivia kaya naman lahat ng gustuhin ni Olivia ay kanyang sinusunod sukdulang mapahamak siya. Basta ang importante sa kanya ay matulungan niya ang babaeng labis niyang minamahal at ang kanilang anak na si Calvin.  

Loisa Andalio bilang Hazel Castillo, ang ampon nina Dado at Emma, kababata niya sina Enzo at Calvin. 

Elisse Joson bilang Sabina De Guzman, girlfriend ni Obet. Nagrerebelde sa mga magulang dahil kinokontrol ang kanyang buhay at desisyon.  

Alexa Ilacad bilang Justine/Justiniana Asuncion. Nang una’y siya ang ang imaginary friend ni Calvin ngunit mayroon siyang modelong kamukha base sa paglalarawan ni Calvin.  Kaya naman hinanap ni Enzo ang isang modelo sa magazine dahil siya ang pwede gawing alibi ni Calvin para malusutan ang kasong iniuugnay sa kanya na may kinalaman sa pagkakapatay kay Colmenares. Sa huli naman ay naging magkaibigan na talaga sila ni Calvin.  

Ronnie Lazaro bilang Matias Reyes, ang ama ni Racquel at bilang lolo nina Obet at Joseph ay inaruga niya at minahal niya ang mga ito.  

Lisa Lorena bilang Donya Matilda Gesmundo, ina ni Olivia. Siya ay nagumon sa sugal 

*Extended Cast*

Alex Media bilang Arthur Nabati, ang ama ni Obet at dating asawa ni Racquel. Siya ay ipinakulong ni Racquel dahil pinlano niyang ibenta si Obet para masustentuhan ang bisyo nito.  

Kathleen Hermosa bilang Carmela ‘Emma’ Castillo, siya ang asawa ni Dado at ina-inahan ni Hazel. 

Arthur Acuna bilang Ernesto De Guzman, major stockholder sa Buenavidez Group at ama ni Sabina.  

Lovely Rivero bilang Miriam De Guzman, ina ni Sabina at asawa ni Ernesto.  

Nico Antonio bilang SPO1 Romeo Colmenares, ang nakababatang kapatid ni Leandro Colmenares, ang unang nag-imbestiga sa kaso ni Victor.  

Joj Agpayan bilang Cassie, bestfriend ni Hazel. 

Igi Boy Flores nilang Jordan, bestfriend ni Joseph. 

Joem Bascon bilang SPO3 George Encarnacion 

 

*Guest Star*

 Albert Martinez bilang Victor Buenavidez, siya ang ama nina Enzo at Joseph, ang lalaking inibig nina Olivia at Racquel. Sa kanya nagsimula ang istorya ng The Good Son.

Basahin ang “The Good Son” artikulo narito

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here