The Good Son Marso 16 : Si Dado ang pumatay kay Anthony

PhilippineOne daily review of The Good Son Marso 16

The Good Son Marso 16 :

Ipinakita na ang tunay na nangyari kay Anthony (John Estrada) nang gabi na iyon. Sinundan siya ni Dado (Jeric Raval) dahil gusto siya nitong patayin. Ibig ni Dado na pagbayaran ni Anthony ang pagkakakulong ni Calvin(Nash Aguas) sa Mental Hospital at ang pagnanakaw ni Anthony kay Olivia (Eula Valdez).

PhilippineOne daily review fof thegood son, marso 16Kahit alam ko na nu’ng pang simula na masamang tao itong si Dado hindi ko pa rin inasahan na si Dado nga ang pumapatay. Siguro nga ay gusto kong isipin na may ibang twist ang istorya. Gayunpaman, masasabi ko pa rin naman na magaling ang kanilang pagkakagawa. Para kasing kahit alam mo na kung ano o sino ang kontrabida, hindi mo pa rin siya inaasahan na siya nga talaga ang tunay na kriminal. Siguro dahil nga sa naglagay din ang writer ng maaaring maging dahilan para isipin natin na siya ang kriminal.

Gaya na nga lamang nitong si Anthony. Kahit alam natin na sa simula pa lang ay mayroon na siyang mabuting puso, inisip pa rin natin na maaari nga siyang gumawa ng kasamaan gaya ng pagpatay. Dahil sa huling sandali ay nagpakita tayo ng kanyang back story. Sa mga eksenang ito ay nagawang ipakita na hindi naman talaga siya perpektong kapatid ni Victor Buenavidez (Albert Martinez). Mayroon siyang sama ng loob na nararamdaman na ipinakita para isipin natin na maaari ngang si Anthony ang kriminal.

Naisip ko rin kasi noon na kaya sinira ang mukha ni Anthony ay dahilPhilippineOne daily review of The Good Son, Marso 16 para isipin ng mga manonood na ‘palabas’ lamang ni Anthony ang kanyang pagkamatay. Pupuwede kasing sa pamamagitan noon ay makabalik pa siya. Na sabihin niyang siya talaga ang kriminal. Ngunit, hindi ganoon ang nangyari. Talagang patay na si Anthony at si Dado ang pumatay sa kanya.

Mahal na mahal ni Dado si Olivia kaya naman lahat ay gagawin niya para lamang lumigaya ang babaeng kanyang pinakamamahal. Ang ibig nga niya ay magsama sila — si Dado, Olivia at Calvin bilang isang pamilya. Kaya naman pinanghahawakan ni Dado ang pangako ni Olivia na magsasama-sama rin sila bilang isang pamilya at mangyayari lang iyon kapag naayos na ang kanilang problema. Iyon ang dahilan kaya naisipan ni Dado na patayin si Joseph (Joshua Garcia).

Ngunit, hindi nangyari ang kanyang plano dahil dumating sina Enzo (Jerome Ponce) and Obet (McCoy De Leon) at si Enzo ang nasaksak ni Dado kaya naman galit na galit sa kanya si Olivia. Dahil doon ay hindi na niya ibig pang makita si Dado. Subalit, magagawa nga ba niyang matakasan si Dado?

Sabi nga ni Dado, marami na siyang napatay dahil sa pagmamahal niya kay Olivia kaya tiyak na hindi siya papapayag na hindi matupad ang kanyang nais — ang mabuo niya ang kanyang pamilya.

Previous The Good Son Reviews

The Good Son Cast Review

Other Teleserye Reviews

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here