The Good Son (Marso 12) : Huli na, nakawala pa

0
87
The Good Son: Huli na, nakawala pa

Sa The Good Son (Marso 12), mahuhuli na sana ni Joseph (Joshua Garcia) na magkasama sina Olivia ( Eula Valdez) at Dado (Jeric Raval) sa isang restaurant kung saan nakatakdang magkita ang dalawa. Pero nauna si Dado na mamataan si Joseph kaya bago pa niya ito makita ay nakatakbo na ito. Kitang-kita sa mukha ni Dado ang pagkabigla nang makita si Joseph sa loob ng restaurant bago pa man ito tumakbo. Ganoon din naman ang pagkabiglang rumehistro sa mukha ni Joseph nang makita si Dado. Masyado nga lang mabilis tumakbo si Dado para maabutan ni Joseph kung kaya’t muli itong nakatakas. Hinabol pa niya ito hanggang sa terminal kaya lang ay hindi na niya ito nakita kayaThe Good Son: Huli na, nakawala pa tinawagan na lang niya sina SPO3 George Encarnacion (Joem Bascon) para humingi ng tulong. Nataranta rin si Olivia nang makita si Joseph. Sa muling pagkakataon ay nabulilyaso ang pakikipagkita niya kay Dado dahil sa kakabuntot ng binata. Sigurado na mas magiging agresibo at mapanganib ang mga plano ni Oivia para patahimikin si Joseph dahil sa nangyari.Desidido si Olivia na tapusin ang problema niya at ito sana ang dahilan kung kaya’t makikipagkita sana siya kay Dado.

Habang abala si Joseph sa pagsubaybay kay Olivia ay hindi naman maganda ang itinatakbo ng relasyon ng kapatid niyang si Obet (McCoy de Leon) sa girlfriend nitong si Sabina (Elisse Joson). Nagkakaroon sila ng misunderstanding. Kaya sa pagkukrus ng landas nina Sabina at Enzo (Jerome Ponce) mukhang magkakaroon sila ng third party. Siguradong lalong magngingitngit ang loob ni Obet sa pamilya Buenavidez kapag nakaagaw niya sa atensyon ni Sabina si Enzo. Noong una ang akala ko ay kina Joseph at Hazel (Loisa Andalio) makiki-love triangle si Enzo pero mukhang pati kina Obet at Sabina ay eeksena siya. Magaling talagang maglaro ng mga karakter ang The Good Son.

The Good Son: Huli na, nakawala paMasyado ng naging masalimuot ang mga pangyayari sa The Good Son. Kung saang saang direksyon na tayo naisama at nailigaw ng teleseryeng ito. Halos lahat ay napagbintangan na natin na siyang tunay na may kasalanan. Kaya may duda akong sa huli ay babalik tayo sa pinagmulan at doon natin mismo makikilala ang tunay na salarin. Abangers lang tayo sa mas kapana-panabik pang mga pangyayari sa The Good Son.

Good Son articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here