The Good Son April 13: Ang Pagwawakas

Sa The Good Son April 13 ang pagwawakas. Sumapit na nga ang huling kabanata sa kuwento ng buhay ng mga Reyes at Buenavidez.Natuldukan na rin sa wakas ang mga katanungan na naglaro sa ating usapan mula pa lamang sa unang episode ng The Good Son. Naging masalimuot man at nagpasikot-sikot tayo sa bawat sulok  ng istorya ay iisa lang din ang kinahantungan ng lahat. Lahat na halos ng karakter ay pinagbintangan nating pumatay kay Victor (Albert Martinez) pero sa huli ay sa tunay na kontrabida rin pala babagsak ang katotohanan. Akala ko ay maiiba na ang seryeng ito kung yung  karakter na hindi natin inaasahan ang siya palang may kasalanan.

Akala ng lahat ay happy ending na at hindi na eeksena si Olivia (Eula Valdez). Pero hindi talaga ito nakapayag na hindi niya magantihan si Joseph (Joshua Garcia). Sinisi niya kasi ito sa lahat ng pagdurusa ng pamilya nila. Mula sa pagtataksil ng asawa niyang si Victor hanggang sa pagkakawatak-watak ng mga anak niyang sina Enzo (Jerome Ponce) at Calvin (Nash Aguas). Pakiramdam niya ay inagaw lahat ni Joseph at ng pamilya nito ang lahat ng dapat ay sa kanya. Kahit sa sarili niyang pagkakamali ay si Joseph pa rin ang sinisi niya. Kaya sa mismong kaarawan ni Joseph ay inulit niya ang ginawa niya kay Victor. Nag-utos siya para lasunin si Joseph. Matapos ito ay tinangka pa niyang tumakas, mabuti na lang at nahadlangan siya ni Enzo kaya hinarap niya ang karma niya. Pag-andar ng kotseng sinakyan niya ay bumangga ito at nagliyab habang nasa loob siya.

Tila naulit man ang mga pangyayari kina Victor at Joseph, ang kaibahan lang ay naka-survive si Joseph mula sa lason.Masyado nga lang mabilis ang pangyayari dahil matapos ipakitang tila nagpapaalam na rin sa buhay niya si Joseph ay nakakagulat na bigla na lang itong sumulpot sa eksena ng mag-iinang Olivia, Enzo at Calvin na parang walang nangyari sa kanya. Sa kabila ng mga pangyayaring ito ay nagawa pa rin niyang ibigay ang kapatawaran kay Olivia na nasa ospital. At bago pa man tuluyang magpaalam sa buhay niya si Olivia ay nakahingi rin siya ng tawad at napatawad ng mga anak niyang sina Enzo at Calvin. Humingi rin siya ng kapatawaran kay Joseph at sa lahat ng kasalanan niya sa pamilya nito.

Maganda ang buhay na hinarap ng tatlong magkakapatid gayon din si Obet (McCoy de Leon) matapos nilang malampasan ang mga pagsubok. Tulad ng inaasahan ay nagkasundo-sundo na silang apat. Siguradong maraming magkakapatid ang nakarelate at nakapulot ng magagandang aral mula sa simula hanggang sa pagwawakas ng The Good Son.

More The Good Son Reviews

More TV Reviews

Joshua Garcia Bio

Eula Valdez Bio

Mylene Dizon Bio

Nash Aguas Bio

Jeric Raval Bio

Jerome Ponce Bio

More Bios

SHARE
Previous articleAng 12 Batas Ng Universe
Next articlePalmistry 117: Tiwala sa sarili ang kailangan
Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here