THE GEMINI WOMAN

650

May 21-June 21. Ito ang nasasakop ng Gemini.Ang zodiac na ito ay nirerepresenta ng Twins Castor at Pollux. Kilalanin natin ang isang Gemini woman pagdating sa pakikipagrelasyon, sa sex, sa kanyang career at kung paano ba siya bilang isang kaibigan.

LOVE

Ang hanap ng isang Gemini woman ay isang lalaking matalino. Isang karelasyon na makakasabay sa talas ng kanyang isipan. Madali siyang makaramdam ng paghanga sa smart guy at agad niya itong napipisil bilang prospect lover. Bilang lover ng Gemini woman ay ihanda mo na ang sarili mo sa magdamag na kuwentuhan dahil hindi siya nauubusan ng maari ninyong pagdiskusyunan. Maraming bagay ang tumatakbo sa kanyang isipan at gustong gusto niyang laruin ang mga yon kasama ang kanyang mahal. Kung gaano siya kabilis mag-isip ay ganoon din kabilis magbago ang kanyang isip pagdating sa pag-ibig.

SEX

Madalas ang isang Gemini woman ay isang sapiosexual. Para sa isang sapiosexual, ang pinaka sexually attractive feature sa kanyang opposite sex ay ang mind nito.Naniniwala sila na ang pinakamalaking sex organ ay ang utak ng tao. Kung minsan naman ay tinatawag din silang ‘nymphobrainiacs’.Naaarouse sila sa isang taong may angking talino. Gustong gusto nila ang makipaglove making sa matatalinong tao. Kaya naman kung smart guy ang kanilang kapareha ay asahan na ang mainit na pakikipagtalik sa isang Gemini woman.

CAREER

Magaling humawak ng career ang isang Gemini woman. Kalimitan ay nagtatagal siya sa trabaho at napapamahal sa kanya ito. Makikita mo sa kanyang bahay man o opisina ang isang corner na may mga libro o kahit na anupamang babasahin. Mabilis din siyang magpalit ng ayos ng kanyang lugar. Gusto niya ay palaging may something new sa kanyang paningin.

FRIENDSHIP

Isang mabuting kaibigan ang Gemini pero hindi sa lahat ng oras ay kakampi mo siya. Para siyang may kakambal sa kanyang isip kapag nagkamali ka na ang isa ay nagsasabing unawain ka habang ang isa ay nagsasabing bigyan ka ng leksyon. Hindi importante sa kanya kung sino sa inyo ang mas maganda o mas matalino pero gustong gusto niya ang compliments mula sa’yo.

 

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

1 COMMENT

  1. Magandang araw po! Maaari po yung Cancer to Scorpio at Cancer to Sagittarius na relationship. Maraming salamat po! ☺ ❤

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here