The Gemini Man

0
334

Latest posts by Madame Yna (see all)

Ang Gemini man ay itinuturing na maestro ng komunikasyon. Isa siyang intelektuwal na tao at laging naghahanap ng bagong kaalaman. Sa lawak ng kanyang kaalaman kung kaya’t kadalasan siya ay nabubuhay na sa kanyang imahinasyon. Kilalanin nating mabuti ang isang Gemini Man.

LOVE

Dahil sa ang lalaking Gemini ay nabubuhay sa kanyang imahinasyon, ang real-world relationships can be a bit too grounding for him. Kaya naman hangga’t maaari ay iniiwasan niya ang commitment. Mas pipiliin niyang pakasalan ang isang praktikal na babae, nang sa gayon ay magawa nitong ihandle ang katotohanan sa kanilang buhay habang siya ay nagpapatuloy sa kanyang pagiging boyish. Kung magiging comfortabe siya sa kanyang relasyon, kaya niyang magstay dito gaano man katagal subalit once na hindi na siya nasiyahan ay hindi na niya ito babalikan.

SEX

Pagdating sa kama, ang isang Gemini man ay super duper adventurous.Kaya kung ikaw ay isang babae na sexually adventurous, siguradong magkakasundo kayo ng Gemini man. Dahil siya ay nabubuhay sa imahinasyon kaya’t gustong gusto ng lalaking Gemini ang naeentertain siya sa kama. Para sa isang Gemini man, sex is just a sex. Hindi kailangan na maging romantic ang inyong love making. Kaya ka niyang paligayahin sa paraang gusto mo o sa paraang gusto niya. Lalo na kung ikaw ay naghahanap lang ng one night stand, hindi ka magkakamali sa pagpili sa isang Gemini man. Pero hindi naman ibig sabihin ay hindi na pwede maging one-woman man ang isang Gemini man.

CAREER

Kung ikaw ay isang boss at naghahanap ng empleyado na mahusay at mapagkakatiwalaan, piliin mo na ang isang lalaking Gemini. Dahil siya ay hindi lang basta matalino kundi siya ay patuloy na naghahanap ng kaalaman upang madagdagan ang kanyang karunungan na siguradong makakatulong din sa inyong kumpanya. Hindi ka mapapahiya sa kanya. Para siyang dalawang tao na nabubuhay sa iisang katawan. Kung pwede lang na mahati ang kanyang katawan upang madoble niya ang kanyang trabaho ay gagawin niya para lang makuha niya ang satisfaction na hinahanap niya.

FRIENDSHIP

Popular ang isang Gemini pagdating sa pakikipagkaibigan. Mabuti siyang kaibigan at hindi ka mapapahiya kung lalapitan mo siya para hingan ng solusyon sa iyong problema lalo na kung ito ay may kinalaman sa mga bagay na pang-intelihente. Bagamat hindi siya palasali sa mga grupo, marami naman ang tumuturing sa kanya bilang kaibigan at masuwerte ka kung isa ka sa mga ‘yon. Huwag mo lamang siyang tatraydurin dahil hindi ka na niya ulit ituturing na kaibigan kahit pa magkabati kayo. Sa oras naman na makuha mo ang kanyang tiwala ay habambuhay mo na siyang magiging kaalyansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here