The Fountain of Great Ideas- Ang Numerong Seven (7)

         Gusto mo bang  masulusyunan ang  tila ba walang  pag-usad na galaw ng iyong kapalaran? Kinakapos ka ba sa magagadang ideya na magpapaunlad ng life mo?  Litong-lito na ba paano  mapipigilan ang  pagbagsak ng iyong negosyo?

       Sa lovelife,  paano masaagot ang tanong mo para muling sumigla ang dati ay matamis at malambing na pagmamahalan sa inyo ng karelasyon? Ano ang sekreto or mabisang pormula para muling bumalik saiyo ang  mahal na mahal mo?

        Saan mo mahahanap ang mga kasagutan sa mga tanong mo  sa buhay mo?

        Saan pa nga ba  kundi sa taong kung tawagin ay Numerong  Seven (7). Dahil sila ang  may hawak ng The Fountain Of Great Ideas.

         Narito ang mga Taong Seven ( 7):

1)      Ang lahat ng isinilang sa Zodiac Sign na Pisces ay mga Taong Siete.

2)      Taong Seven din ang mga may date of birth na ika -07, 16 at 25.

3)      Ang mga may nunal sa anumang bahagi ng kanilang mga paa ay Taong Seven  din.

4)       Ang mga mahilig maglagay ng pangdekorasyon na may larawan ng dagat o karagatan

ay  mga Taong Siete ( 7.)

5)      Ang  mga  marine o mga  nagwowork sa barko ay  ganundin, mga Taong Siete rin.

6)      Ikinukunsidera din na  ang mga mahilig na makipag-chat sa mga foreigners ay

kabilang sa mga Taong Seven.

7)      Ang mga nag-abroad sa iba’t –ibang  kadahilan pero  nagpasyang  mabuhay sa abroad ay mga Taong Seven din.

8)      Siya na  kapansin-pansin na mayamang hanggang sa sobrang mayaman ang

imahinasyon ay mga Taong Seven.

9)      Ang  mgag palakwento  ng mga kababalaghan at ng mga  fantasy stories  ay  mga

Taong Seven din.

10)    Sila na may angking  psychic ability ay gayundin, mga Taong Seven din.

11)   Sila na  mahilig sa deeper sides of religion ay Taong Seven.

12)   Sila na  kapansin-pansin na  pinagmumulan ng  magaganda pero kakaibang mga

pananaw sa buhay ay mga Taong Siete.

Subukan mo sila ! At magugulat ka ang mga tanong sa buhay mo na akala mo’y walang

kasagutan  ay  mayroon pala.

Kumunsulta ka sa kanila kung paano  mabilis na uunlad ang buhay mo,ano ang dapat

gawin para magbago ang pangit mong life at siya rin ang may akmang sagot na ano ang paraan para mahanap muna ang tunay at ganap na kaligayahan.

Ang sekreto ng paano muling magkakaayos ng magkakarelasyon ay sa kanya rin

manggagaling.

         Try mo!  Sa Taong Seven mo itanong ang mga bagay na gumugulo sa iyong isipan , ang mga problemang  hindi mo nasulusyunan at ang  iba pang  bagay na  hindi muna alam ang  gagawin, siya ang sagot sa mga suliranin mo sa buhay.

         Hindi ka niya bibiguin dahil naghahanap din naman siya ng  magpasasabihin ng  kanyang mga  pormula for a better living.