The Disadvantages of Monogamy

0
96

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Ano nga ba ang tinatawag na monogamous o monogamy relationship? Ito yung relasyon sa pagitan ng dalawang tao kung saan sila ay naka-commit sa isa’t-isa. Yung walang iba sa pagitan nila kundi sila lang, walang ibang kapareha sa sex o sa anumang bagay outside their relationship. Kung iisipin ay parang napakasarap na magkaroon ng ganitong klaseng relasyon, yung wala kang aalalahanin. Parang nandito na lahat ng advantages na pwede mong makuha sa isang relasyon like emotional security, financial security, yung walang kokontra sa pagmamahalan nyo dahil nasa tamang landas kayo , sa ganitong uri ng relasyon ay makakasiguro din kayo na makakaiwas kayo pareho sa panganib ng STD (Sexually Transmitted Diseases). Parang wala ka ng hahanapin pa, almost perfect na ang lahat. Pero meron din palang mga disadvantages ang monogamy. Narito ang ilan.

1.BOREDOM. Dahil sa tagal nyo ng magkakasama, hindi maiiwasan na paminsan minsan ay makaramdam kayo ng boredom. Yung tipong sawa na kayo sa paulit-ulit na routine ng inyong pagsasama. Paulit-ulit na pangyayari sa inyong buhay na paulit-ulit nyo ring pinagkakasunduan o pinagdidiskusyunan. Sa ganitong sitwason kakailanganin nyo na mag-isip ng paraan upang ang boredom ay maiwasan at para manatiling fresh ang inyong pagsasama sa kabila ng paulit-ulit na eksena.

2.SEXUAL INCOMPATIBILITY. Kung ang inyong sexual compatibility ay nagkaroon ng pagbabago, malamang ay kailangan nyo nang umisip ng bagong style, position na makapagpapainit pang lalo sa inyong pagsasama sa kama. Kapag kasi hindi na kayo compatible sa sex, malaki ang posibilidad na maghanap na kayo ng iba or kung hindi man maghanap ay baka kusang makakita ng iba at mabaling ang atensyon nyo dito na ikasisira ng relationship nyo.

3.SETTLING. Ito yung sa sobrang kagustuhan nyo na magkaroon ng isang safe and at peace relationship ay nagpapatangay na lang kayo sa agos. Sa paglipas ng panahon, hindi nyo namalayan na hindi pala kayo nag grow bilang individual dahil nakadepende na ang buhay nyo sa isa’t-isa. Kung nakulong na kayo sa ganitong sitwasyon, siguradong sooner or later ay hahanapin nyo ang sarili nyo na hindi napunan ng relasyong iniingatan nyo. ffffffffffffff

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here