The Capricorn Woman

0
62

Latest posts by Madame Yna (see all)

December 22-January 19. Ang babaeng Capricorn ay isinilang para maging leader. Independent and a combo of old-soul wisdom and resourcefulness. Dahil sa mga katangiang ito, siya ay kinaiinggitan ng iba. Tuklasin pa natin ang mga lihim ng isang Capricorn woman.

LOVE

Bago pumasok sa relasyon ang isang Capricorn woman ay sinisiguro muna niyang naharap na niya ang sariling feelings. Kailangan plantsado na ang lahat. Pinipili niyang mabuti ang kanyang makakapareha. Dapat ay pasado ito sa kanyang standard. Nagmamahal siya ayon sa kanyang pamantayan. Ayaw niyang magkamali. Kung gaano siya kastrikto  magmahal ay ganoon din siya kaseryoso. Malalim subalit sa oras na hindi na siya masaya sa kanyang lovelife, maliit ang tsansa na magstay pa siya rito.

SEX

Kulang man siya sa emosyon pagdating sa sex, sisiguraduhin naman niya na mag-eenjoy ang kanyang kapareha. Gusto niyang kasama sa routine niya everyday ang sex at dapat ay maramdaman din niya ang satisfaction dito. Sa kabila nito ay very open naman siya sa iba’t-ibang sexual experiences. Pwede kang magsabi sa kanya kung anong way or style ang gusto mo at pakikinggan ka niya. Hindi siya mahirap kausap pagdating sa sex.

CAREER

Dahil isinilang siya para mamumo, kaya likas sa kanya ang kagalingan sa pagmamando at pagbubuo ng mga ideya at plano tungkol sa trabaho. It doesn’t matter kung baguhan man siya o matagal na sa trabaho, mangingibabaw pa rin ang kanyang galing. Kaya ang tulad niya ay kinaiinggitan ng mga kasamahan, pero nais nilang tularan. Dahil sa katangiang taglay kaya madali lang din para sa Capricorn woman ang makakuha ng trabaho at umangat dito.

FRIENDSHIP

Intelligent, funny and loyal. Iyan ang Capricorn bilang kaibigan. Wala siyang malaking grupo ng mga friends. Hindi dahil sa walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Kundi dahil sa piling pili lang ang mga gusto niyang kaibigan. Kaya kung ikaw ay isa sa mga napili niya, masuwerte ka na. Siya ang tipo na bine-bestfriend. Kasi kahit anong mangyari ay hindi ka niya iiwan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here