THE CAPRICORN MAN

0
69

Latest posts by Madame Yna (see all)

LOVE

Seryoso ang Capricorn man pagdating sa pag-ibig. Maaaring hayaan ka niyang masaktan sa umpisa, yung pakiramdam na akala mo wala siyang pakialam sa’yo, pero ang hindi mo alam tinetest ka niya. Gusto niyang malaman kung hanggang saan ang kaya ng pag-ibig mo. Dahil once na nakipagcommit na siya sa’yo ay asahan mo na ibibigay niya sa’yo ang lahat lahat. Gusto niyang makabuo ng isang solid na pamilya. Yung pamilyang maipagmamalaki niya kahit kanino lalo na sa mga ninuno niya at lahat ng mga kamag-anak niya. In short, loner ang isang Capricorn man kaya naman nahihirapan siyang ibigay ang kanyang buog tiwala sa iba but once you gained it, hindi mo ito pagsisisihan. Ibibigay niya ang respeto at paggalang na nararapat sa’yo.

SEX

Para sa isang lalaking Capricorn, ang pakikipagtalik ay hindi lang basta pakikipagtalik. Gusto niya na mag-eksperimento at matuklasan pa ang maraming bagay tungkol sa sex. Kung ano pa ang mga natatago ninyong kakayahan para mas maging mainit at exciting ito. Maaaring magmukha siyang seryoso pagdating sa sex but deep inside ay gusto rin niya itong laruin at maging funny sometimes. Pero bago mo siya makasama sa kama, kailangan muna na maging komportable siya sa’yo at makapalagayan mo siya ng loob. Bagamat hindi siya natatakot na subukan ang maraming bagay tungkol sa sex takot siya na makipagsex sa taong hindi pa niya gaanong kilala.

CAREER

Pagdating sa career ay very responsible din ang Capricorn man. Gusto niyang kinokontrol ultimo ang maliliit na bagay na walang halaga sa iba. Ingat na ingat din siyang magkamali. Hangga’t maaari ay iniiwasan niya ito. Kung isa ka sa mga katrabaho niya, maaari mong isipin na isa siyang supladong tao dahil pinananatili niya ang kanyang distansya sa iba, ito ay dahil gusto lang niya na maproteksyunan niya ang kanyang sarili mula sa mga negatibong tao. Pero kung lalapitan mo siya para hingan ng tulong o tips sa trabaho ay umasa kang tutulungan ka niya.

FRIENDSHIP

Takot magkamali ang Capricorn man kaya maging sa pagpili ng mga kaibigan ay takot din siyang magkamali. Kaya naman mabibilang mo lang sa daliri ang mga kaibigan niya. Sinisiguro niya na sila ang mga perpektong kaibigan para sa kanya. Focus siya sa kanyang goals kaya hindi siya masyadong in sa gimikan. Pero nasaan man siya at anuman ang kanyang ginagawa, once na kailanganin mo ang tulong niya ay gagawa siya ng paraan para maipaabot ang tulong niya sa’yo. He is loyal and faithful to his friends.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here