The Blood Sisters April 11: Ang paghaharap nina Debbie at Adelle

tv review on philippineone.com

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Sa The Blood Sisters April 11, mukhang wala na talagang makakapigil sa kamalditahan ni Agatha (Erich Gonzales). Ipinahamak na naman niya ang mga kapatid niya na sina Erika at Carrie (Also played by Erich Gonzales). Kaya sa paghaharap nina Debbie  (Dina Bonnevie)  at Adelle (Cherry Pie Picache) ay halos sumabog si Debbie sa galit. Ayaw ni Debbie na nakikipagkita si Adelle sa mga anak niya at gumamit pa ito ng ibang pangalan. Para sa kanya, walang karapatan si Adelle sa kanyang mga anak dahil isa lamang itong surrogate mother, binayaran lang para ipagbuntis ang kanyang mga anak. Hindi rin nito maatim ang ginawa nitong pagtatago sa iba pa niyang mga anak kaya si Carrie lamang ang napunta sa kanila noon. Ngayong nasa kanila na ang triplets ay hindi na niya papayagan na makalapit pa si Adelle sa kanila. Sa kabila naman ng galit ni Debbie ay pilit nagpapakumbaba si Adelle. Tinanggap niya lahat ang mga sampal at sumbat ni Debbie. Iginiit niya na wala siyang hangad na masama sa mga bata, ang tanging nais niya ay makita at makasama lang ang mga ito. Pero syempre hindi iyon kakagatin ni Debbie lalo pa at iba ang kuwento sa kanya ng malditang si Agatha. Feeling takot at api ang hitad na si Agatha. Ang sarap sabunutan. Paranoid na tuloy si Debbie kaya ngayon ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang tatlo. Naiintindihan ni Erika pero hindi si Carrie. Umalma siya sa wala sa lugar na paghihigpit ng ina.

Si Adelle naman ay hindi makapagdesisyon kung babalik na lang ba siya sa probinsya o hindi. Hindi siya makapag-isip mabuti dahil sa sobrang stress at pag-aalala sa triplets. Mabuti na lang at nakaalalay sa kanya si Dante (Thou Reyes) na dating kaibigan ni Agatha.

Marami pang plano si Agatha. Kaya abangan na lang natin kung magagawa ba niyang pag-away-awayin ang mga kakambal niya at mga magulang niya para tuluyan siyang maging bida sa The Blood Sisters.

More TV Reviews

SHARE
Previous articleDAHIL SA FREE DATA, FREEDOM NAIBENTA
Next articleOnline Horoscope Abril 13 2018
Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here