The Best Way To Get Over a Breakup

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Sino nga ba ang hindi masasaktan kapag ang relasyon ay humantong sa breakup? Siguro kung hindi mo naman mahal ang tao na hiniwalayan mo o nakipaghiwalay sa’yo, posible na wala kang maramdamang sakit, sa halip ay awa ang iiral sa’yo. Pero kung totoo na nasa puso mo ang tao ay siguradong magiging masakit ito para sa’yo. Mahirap man isipin pero halos lahat ng tao na nagmahal at nagmamahal ay nakakaranas ng break up. Paano nga ba ito malalampasan? May mga tao na nagjujump sa bagong relationship para lang makalimutan ang breakup na pinagdaanan. Not good. Dahil sa breakup lang din ito mauuwi kapag narealize na niya na hindi iyong ang solusyon. May mga tao naman na sadyang mahihina ang loob at dumarating pa sa punto na ang tanging naiisip na lang nilang solusyon ay ang pagpapakamatay. Na hindi katanggap tanggap sa batas ng tao at sa batas ng Diyos.

Maraming paraan para maka-get over ang isang tao sa kanyang heartache. Pwede siyang magfocus sa work, maghanap ng mga bagong kaibigan, magtravel para malibang, tumuklas ng bagong sport at kung anu-ano pa. Pero sa kabila ng lahat ng ito, hindi siya makakaget over sa kanyang breakup kung gagawin lang niya ang mga bagay na ito para makalimot but deep inside ay wala pa roon ang acceptance. Kung hindi pa naman talaga niya ito natatanggap sa kanyang sarili , kahit na ano pang paglilibang ang gawin niya, kahit na ano pang paraan ang subukan niya, at the end of the day ay marerealize niya na hindi pa rin siya nakakamove on dahil ang totoo ay hindi pa rin niya natatanggap ang nangyari sa kanya. Nandoon pa ang galit o sama ng loob sa isang sulok ng puso niya. Kaya kung gusto talaga niya na maka get over sa kanyang break up, ang unang-unang dapat niyang gawin ay pag-aralan na ito ay tanggapin. Acceptance is the key. Bago siya gumawa ng kahit anong hakbang ay kailangan muna niyang matanggap ang kinahantungan ng kanyang relasyon. Once na ito ay matanggap na niya, saka niya isusunod ang  iba pang mga hakbang para sa tuloy tuloy niyang pagmomove on.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here