The “Avengers” in Philippine folklore

0
105

Umaliw sa mga Pilipino ang pagpapalabas ng UMC’s Avengers na kinabibilangan ng mga natatanging superhero tulad ni Iron Man, Thor, Hulk, Spiderman at marami pang iba. Nagpakita sila ng iba’t ibang husay at weaponry upang puksain ang kalaban ng sanlibutan. Subalit hindi sila ang pag-uusapan nating ‘avengers’ sa artikulong ito. Ang sinasabi kong ‘avengers’ ay iyong pinaniniwalaan ng mga Pilipino na lalong lumalakas at gumagala sa paligid tuwing panahon ng Halloween. Ang kanilang mga kapangyarihan ay pinakamalakas sa panahong ito, kaya naman, naipamamalas nila ang pinakamasamang aspeto ng kapangyarihan.

Aswang

Aswang Ang Aswang ay ang pinaka-kinatatakutang mythical creature ng mga Pilipino. Sila ay mga ispirito at nakapagpapalit ng hugis o anyo. Tulad sila ng tao sa umaga subalit nagpapalit anyo bilang monsters tuwing gabi. Maaari silang magpalit ng hugis mula tao hanggang hayop tulad ng paniki, ibon, baboy, pusa o itim na aso.

Paborito nilang umatake sa mga bahay ay kumain ng mga natutulog na tao. Sinasabing ang atay ng tao at puso ang kanilang paboritong bahagi. Gusto rin nila ang mga buntis na magsisilang ng sanggol. Paborito rin nilang kainin ang mga sanggol at may abilidad na malaman ang lugar ng mga buntis sa pamamagitan ng amoy ng isisilang na sanggol.

Tiyanak

Ang tiyanak ay kilala rin sa tawag na impakto, ito ay sanggol na namatay bago pa niya tanggapin ang sakramento ng binyag. Pagkatapos nitong mamatay ay napunta ito sa Limbo, isang lugar sa Impyerno kung saan ang mga hindi nabinyagang tao ay nasasadlak, at nagiging masamang ispirito sila. Bumalik ito sa mundo bilang isang goblin o bampira, na kumakain ng buhay na tao. Ang tiyanak ay maaari ding anak ng mortal na babae at isang demonyo, o ipinalaglag na sanggol na naghihiganti sa ina nito.

Kapag nakita ng tao ang tiyanak ay naghuhugis normal na sanggol ito. Kapag lumapit na ang bibiktimahing tao, naghuhugis tiyanak ito at kinakain ang biktima.

White Lady

Suot ang putting damit. Mahaba ang buhok. Ang magandang mukha na natatakpan ng dugo. Babaing nakalutang sa ere…

Ito ang White Lady. Ang mga White Lady ay karaniwang iniuugnay sa pagkukuwento ng misteryo at katatakutan. Karaniwan silang nakikita sa mga baryo o mga tagong lugar, subalit nakikita rin sila sa mga lungsod at nagbibigay nang walang kaparis na pagkatakot sa mga tao.

Tikbalang

Ang Tikbalang ay half-man at half-horse na creature. Ulo at katawan ng kabayo, at katawan ng tao. Karaniwan itong nagpapakita tuwing gabi o full moon na naghahanap ng bibiktimahing babae at karaniwang ginagahasa ang babae upang dalhin nito ang kaniyang sanggol. Mapaglarong nilalang ang mga tikbalang at madalas na ipinai-imagine nila sa tao ang mga bagay na hindi totoo, kung minsan ay dahilan upang masiraan ng bait ang kanilang biktima.

Manananggal

Ang Manananggal ay espesyal na klase ng aswang na may abilidad na lumipad pagkatapos ihiwalay ang sarili mula sa ibabang bahagi ng katawan nito. Karaniwan sa mga manananggal ay mga babae. Tao sila sa umaga. Sa gabi, naghahanap ito ng tagong lugar kung saan iiwan nila ang ibabang bahagi ng kanilang katawan. Lumilipad sila habang naghahanap ng kanilang biktimang kakainin.

Tulad ng mga aswang, ang manananggal ay kumakain ng mga sanggol mula sa sinapupunan ng ina nito. Kung minsan naman ay sini-seduce nila ang lalaki sa pamamagitan ng kanilang ganda at pagkatapos ay kakainin nila ito. w

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here