THE ARIES MAN

0
324

Latest posts by Madame Yna (see all)

March 20- April 19. Ang Aries man ay laging proud sa kanyang sarili. Meron siyang strong confidence na hindi kayang tibagin ng kahit na anong zodiac. Sigurado siya sa kanyang sariling pagkatao. He is a highly aggressive kind of man. Alamin pa natin ang iba pang bagay na maipagmamalaki ng isang Aries man.

LOVE

Pagdating sa pag-ibig, ang lalaking Aries ay may sariling pagdedesisyon. Hindi siya natatakot na sabihin o gawin ang kanyang nararadaman. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao o maski sa sasabihin ng kanyang kapareha. Hawak niya ang sarili niyang pagpapasya. He is a very single-minded person kahit pa mahal ka niya. Kaya naman kapag ipinakita na niya sa’yo ang romantic side niya, sign ‘yon na totoo siyang in love sa’yo.

SEX

You can’t say no sa Aries man. Kapag gusto niyang makipagsex kailangan mo siyang pagbigyan sa ayaw mo man at sa gusto. Unless na ang kanyang kapareha ay may strong personality at kaya ring tumayo sa sarili niyang paa tulad niya. Ang ganitong klaseng babae ang nakakakuha ng kanyang respeto pagdating sa kama. Kung mahinang klase ka ng babae, maaari ka niyang paikutin sa kanyang palad pero wala naman siyang intensyon na saktan ka.

CAREER

Ambitious and creative. Ito ang mga katangian ng Aries man na maghahatid sa kanya sa tagumpay. Sanay siyang mamuno. Responsable sa halos lahat ng bagay na may kinalaman sa trabaho. Kailangan lang ng Aries man na matutunan ang pagtitiwala sa kanyang mga nasasakupan para marating niya ang gusto niyang marating. Mas komportable ang Aries sa trabaho kung siya ang nag-uutos at hindi ang inuutusan.

FRIENDSHIP

Ang Aries man ang itinuturing na soul ng kanilang grupo. May kakayahan siyang gawing positibo ang pananaw ng kaibigan niyang naliligaw ng landas at napupunta sa negatibong direksyon. Tulad ng isang mabuting pinuno ay kaya niyang pamunuan maski malaking circle of friends. Hindi siya namimili. Kung magaling ka na ay tatanggapin ka niya sa grupo kung hindi ka naman magaling ay tatanggapin ka pa rin niya at gagawing magaling. Kaya gugustuhin mo talaga siyang maging kaibigan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here